Stalker 56

29 3 2
                                    

HER DESTINY

Tiningnan ko siyang mabagal na nag-ayos ng mga gamit niya. Sumulyap ako kay Jian na nakatitig rin sa bestfriend niya.

"Ilang taon kaming maghihintay hanggang matapos ka diyan?" Sarkastikong tanong niya dito. Tiningnan naman siya nito ng masama.

"Sinabi ko bang maghintay kayo?"

Napailing ako at lumapit sa kanya. Inagaw ko sa kanya ang mga gamit niya at ako na mismo ang nagligpit at naglagay sa bag niya. Bakit ang dami niyang aklat na dala? Hindi naman magagamit ang lahat ng ito ngayong araw. Isinukbit ko sa balikat niya ang bag at hinawakan siya sa kamay at hinila palabas. Humagikhik si Jian habang sumusunod sa amin.

"Bitiwan mo nga ako." Malamig niyang sabi. Napasinghap siya nang bigla siyang inakbayan ni Jian at paulit-ulit na hinalikan sa pisngi.

"Stop it!" Asik niya dito.

"Na-miss kaya kita, babe! Ako ba hindi mo na-miss?"

Hindi siya sumagot at nanahimik na lang.

"Uy, silence means yes! Ayeeeii..na-miss niya rin ako! Na-miss niya rin 'yong magandang bestfriend niya!" Bumungisngis pa ito. Napailing ako. Nakarating kami sa cafeteria nang binubuska at inaasar siya ni Jian pero hindi niya naman ito pinapansin.

"Uy, Trisha!" Masayang bati ni Chen sa kanya. Tinapik siya sa balikat ni Tao at ginulo naman ni Luhan ang buhok niya. Inosente siyang nginitian ni Lay while Kris was just staring at her.

"Hindi ka na ba galit sa amin?" Nakangising tanong ni Tao sa kanya. Sinulyapan niya naman ito.

"Bakit anong ginawa niyo para mawala ang galit ko sa inyo?"

Naglaho ang mga ngiti nila at nagkatinginan. Nakita ko ang pagngisi ni Kris.

"Hindi naman kami kasama sa plano nila." Nakangusong usal ni Chen. Tiningnan ko siya ng masama. Naghugas pa ng kamay ang tarantado.

"Pero alam niyo ang tungkol sa plano 'diba?" Malamig na tanong ni Trish sa kanya. Natahimik naman ito at napayuko na lang.

"Bakit kay Lay hindi ka galit?" Untag ni Luhan sa kanya.

"Because he already said sorry to me before. Nagtaka nga ako kung bakit niya sinabi 'yon. Ngayon alam ko na kung bakit."

Natigilan kami at sabay-sabay na napatingin kay Lay. Kumurap-kurap naman ito at inosente kaming tiningnan habang ngumunguya sa kinakain niya.

"Kailan 'yon, hyung?" Tanong ni Chen sa kanya. Nagkibit-balikat ito.

"Hmm? Hindi ko nga matandaan eh. Nag-sorry ba ako sa'yo, Trisha? Bakit? Anong kasalanan ko?" Baling niya kay Trish. Sabay-sabay rin kaming bumuntong-hininga. Kailan ba kami makakuha ng matinong sagot sa kanya? Lahat na lang nakakalimutan niya.

"Ano ka ba naman, hyung! Lahat na lang nakakalimutan mo! Naaalala mo pa ba ang pangalan mo?" Sarkastikong tanong ni Tao sa kanya. Kumunot ang noo nito.

"Bakit ko naman makakalimutan ang pangalan ko? Pangalan ko 'yon."

Tumango-tango si Chen at sarkastiko rin siyang nginitian. "Oo nga naman."

Kinuha ko ang fried chicken sa plato ko at inilipat sa plato ng katabi ko. Napansin ko ang pagkatigil niya at ang paninitig niya sa ulam na binigay ko. Lihim akong napangiti.

"I'm allergic with chicken, remember?" Untag ko sa kanya.

"Psh. Ba't ito ang inorder mo?"

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon