Stalker 51

34 7 4
                                    

HER DESTINY

"Good morning." Bungad ko sa kanya nang pumasok siya sa kusina. Natigilan siya at gulat na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inilagay ang bacon at hotdogs sa lamesa. Napatingin siya mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Nagluto ka?" Mas lalong nagulat na tanong niya at tuluyan ng pumasok sa kusina. Tumango ako at nilagay na rin ang inihaing fried rice.

"Yeah. Now sit down and let's eat."

Hinila niya ang isang upuan at umupo doon. Kinuha ko ang isang baso ng gatas na kakatimpla ko lang at inilagay sa harap niya. Suminghap siya at tiningala ako.

"S-Salamat. Pasesnya na, late na yata akong nagising. Ikaw na tuloy yung nagluto."

"No worries. Mas maaga lang talaga akong nagising kaya ako na lang ang nagluto ng agahan natin. Besides, I know you're tired."

Galing pa siya sa ospital kagabi at hatinggabi na siyang nakauwi dito sa condo. Babalik na siya sa klase ngayon kaya gumising ako ng maaga para ipaghanda siya. I want to take care of her.

Kumuha ako ng ng isang tasa at nagtimpla ng kape ko. Pagkatapos ay umupo na rin ako sa tapat niya. Pinagmasdan ko ang basa niyang buhok na tumutulo pa sa balikat at sa may bandang dibdib niya. Nakaligo na pala siya.

"Hindi mo ginamit ang hair dryer na binigay ni mommy sa'yo?" Untag ko sa kanya. Natigilan naman siya at napahinto sa pagsandok ng kanin.

"Uh..nakalimutan ko."

Tumayo ako at naramdaman ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang towel ko. Lumabas ulit at bumalik sa kusina bitbit ang towel. Nakita ko siyang sumubo ng hotdog. Pumunta ako sa likuran niya at pinunasan ang buhok niya. She stiffened. Lihim akong napangiti. Pasimple kong sinilip ang hitsura niya at nakita ang pamimilog ng mata niya at naestatwa habang kagat-kagat pa rin ang hotdog.

"You okay?" Parang balewalang tanong ko sa kanya at patuloy pa ring pinunasan ang buhok niya.

Suminghap siya at hinawakan ang kamay ko. "A-Ako na."

Ngumiti ulit ako at tumigil naman. Bumalik ako sa upuan at tumikhim para kumalma at maiwasan ang pag-ngisi. Nagsimula na akong kumain at hindi na siya tiningnan pero ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at sunod-sunod na sumubo ng kanin. Humigop ako ng kape para maitago ang ngisi. Nauna akong natapos kumain kaya agad akong tumayo.

"Can you wash the dishes? I'll just go to shower." Untag ko sa kanya. Kumurap-kurap siya at sunod-sunod na tumango. Tumalikod agad ako at lumabas ng kusina. Ngumisi ako. Cut your tongue, huh? I'll bet your confused now. Don't worry baby, there's more.

Mabilis akong naligo at nagbihis. I don't want her to wait for me. Simula ngayon, ako na ang maghihintay sa kanya. I will wait for her no matter what happen.

Paglabas ko ng kwarto ay sinilip siya sa kusina pero wala na siya doon. Baka nagbihis na. Pumunta ako sa sala at umupo sa couch. Waiting for her. Kinuha ko ang cellphone at tinext ang mga kaibigan ko.

Ako:

She's back. Act and pretend as you can.

Huang Zi Tao:

Areglado, hyung! 😊😊

Wu Yi Fan:

Tss. Why do I have to act?

Napakunot ako ng noo dahil sa reply ni Kris. Nagtipa ako ng reply sa kanya.

Ako:

Yeah, you don't have to act. You never care.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon