HER DESTINY
Sumulyap ulit ako sa kanya. I don't know why, but I felt something has changed in her. O baka naman dahil sobrang nag-alala lang siya sa mama niya. Para talaga siyang nag-iibang tao kapag problemado na.
Bumuntong-hininga ako. I want to talk to her and explain something but I think it's not the right time for now. Nandyan pa yung mama niya na mas dapat niyang pagtuonan ng pansin. Nilingon ko siya saglit.
"Aren't you hungry? Ni hindi ka man lang nagkape kanina."
Sanay siyang kumain ng agahan, she must be hungry right now. Sumulyap siya sa akin at umiling.
"Hindi na, okay lang ako. Deretso na tayo sa ospital."
Tumango ako. "What really happened to your mother?"
"Hindi ko rin alam. Basta tinawagan na lang ako bigla ni Jian kanina na nasa ospital si mama."
"Don't worry, you're mom will be okay and everything will be fine. Let's pray for that." Sumulyap ako sa kanya. Napatingin rin siya sa akin. I smiled at her and she smiled back pero nag-iwas agad ng tingin at tumingin na lang sa labas.
Hindi rin nagtagal ay nakarating agad kami sa ospital. Mabilis siyang umibis mula sa sasakyan at patakbong lumapit sa front desk. Sinundan ko naman agad siya pagkatapos i-park ang sasakyan.
"Room 365 po, maam." Naabutan kong sabi ng nurse sa kanya.
"Thank you." Agad siyang tumakbo papasok at sumunod naman ako.
Nahanap naman agad namin ang kwarto ng mama niya. She opened the door and we went inside. Bumungad sa amin ang nakaupong babae habang nakatitig sa isang taong nakahiga sa kama.
Napatayo ang babae nang makita kami. "Ikaw ba yung anak niya?"
Tumango ang kasama ko at lumapit sa kama. Napasinghap siya. "Mama!"
Lumapit rin ako sa kama. Natigilan ako nang makita ang hitsura ng mama niya. Bugbog sarado ito at sobrang namamaga ang mukha. Putok ang labi at halos hindi mo na makilala ang hitsura nito. Malakas na hagulgol ang narinig ko. Kumurap-kurap ako at nilingon yung babae.
"What happened to her? Bakit ganito ang hitsura niya?" Tanong ko sa kanya.
"Uhh..kapit-bahay po nila ako. Bagong lipat lang. Palagi kong naririnig ang pag-aaway at pagsisigawan nilang mag-asawa. Hanggang kagabi, parang sobrang away na nilang dalawa. Umiiyak siya at sumisigaw na parang namimilipit sa sakit. Lumabas ako ng bahay para tumawag sana ng tanod dahil kinakabahan na ako kung anong nangyari, nang makita ko ang asawa niyang lumabas sa bahay nila na may dala-dalang malaking bag at nagmamadaling umalis. Dahil iba ang kutob ko sa nangyari ay pumasok ako sa bahay nila. At..nakita ko siyang nakahandusay na sa sahig at walang malay. Punong-puno ng dugo yung mukha niya. Sinubukan kong manghingi ng tulong sa mga kapit-bahay namin pero nagkamalay siya at sinabihan akong tawagan ang anak niya. Pero hindi ko alam kung anong numero ng anak niya kaya tinawagan ko yung nasa speed dial ng cellphone niya. Ang sabi nung babaeng tinawagan ko ay bestfriend daw ito anak niya. Kaya, sinabihan ko siyang dadalhin namin sa ospital 'tong si ate."
Mas lalong lumakas ang iyak ni Trish kaya agad ko siyang nilapitan at inalalayan paupo. Umupo rin ako sa tabi niya.
"Shh, it's okay. Calm down." Bulong ko sa kanya at sinuklay ang buhok niya. Itinabing ko yung ilang buhok na tumabi sa mukha niya.
I wiped her tears. She tried to cover her mouth to prevent from sobbing hard. I hugged her at isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Umiling-iling siya at ibinaon ang mukha sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanficYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...