Parang tumigil ang pag-irog ng mundo ko nang makita siyang pumasok. She is really beautiful. At naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng inggit. Kung bakit naiinis ako na siya pa ang babaeng minahal ni Kim Minseok. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito.
She was my idol. Noon, gustong-gusto talaga siyang makita sa personal. Hindi ako naiinggit sa ganda niya. She was my inspiration. Pero ba't ngayon hindi ko magawang sumaya nang makita ko siyang harap-harapan. Yes of course because I am jealous. At sa tuwing nakikita ko ang ganda niya ay parang isasampal sa akin na hinding-hindi ko siya mapapalitan sa puso ni Kim Minseok.
"Hi." Nahihiya niyang sabi. Gosh, she's almost perfect.
I mentally sighed. Siguro naman worth it na rin ang pagsuko ko kapag sa kanya naman mapupunta si Kim Minseok. They are match made in heaven. Tiningnan ko si Kim Minseok na nakangiti habang nakatitig sa maganda niyang girlfriend. I never seen him smiling like that. He must be proud and very happy that she's back in his arms right now. Noon pa man, 'yon na ang gusto niya. He's just in denial when he told me that she didn't love her anymore. Now, look how happy he was nang dahil sa ginawa ko. I must be happy for them too. Really. 'Yan naman talaga ang gusto ko 'diba? Ang matulungan siya.
Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni mama. "Ikaw na ba ang girlfriend ng gwapong binata na ito?" Tukoy ni Mama kay Kim Minseok.
Nag-iwas ako ng tingin nang mapatingin muna siya sa akin bago nakangiting sinagot si Mama.
"Uh..opo."
"Aba'y ke gandang babae mo pala. Bagay na bagay kayo."
Pasimple kong sinamaan ng tingin si Jian nang marinig ang hagikhik niya na parang kilig na kilig. Parang may napapansin ako sa babaeng ito. Nagiging baliwag na yata? Hindi man lang ako kinu-comfort. At mukhang fan pa yata ng Kim Minseok at Kim Yeo Shan love team. Itsapwera na yata akong bestfriend niya na nasasaktang ngayon. Akala ko ba number one fan namin siya? Mukhang lumipat pa yata sa kabilang team. Tumigil naman siya at nag-peace sign sa akin.
Nadaanan ng tingin ko si Kim Minseok. He's staring at me. Bahagya pa akong nagulat sa klase ng titig niya. Nakita ko ang simpleng pagsiko ni Jian sa kanya. Magkatabi kasi ang dalawa habang nakaupo sa couch. Tumikhim agad siya at nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko.
"Salamat po."
Napatingin ulit ako kay Kim Yeo Shan nang marinig ang mahinhin at malambot niyang boses.
"Teka, bakit parang pamilyar ka sa akin? Saan nga ba kita nakita?" Nalilitong sabi ni mama at parang may pilit na inaalala.
Tumikhim ako. "Sa mga magazine ko po, Ma."
Natigilan siya at napapitik sa daliri. Lumaki ang ngiti. "Oo nga! Ikaw nga 'yon! Naku, idol na idol ka ng anak ko. Yung mga magazine niya puro ikaw ang cover."
She giggled. "Narinig ko nga po na idol po ako ng anak ninyo. I'm her girl crush nga rin daw po."
Napakurap-kurap ako. How did she know? Ikinuwento ni Kim Minseok sa kanya?
"Aba'y oo! Totoo 'yan!" Nilingon ako ni mama. "O 'nak, kaharap mo na ngayon ang idol mo. Pa-picture ka ta's pa-autograph na rin!"
Tipid akong ngumiti. "Opo, Ma. Mamaya po."
Kumunot ang noo nito habang tinitingnan ako. "Bakit ganyan lang ang reaksyon mo? Akala ko magtatalon ka na kapag nakita mo na ang pinakamamahal mong idol sa personal. Noon nga, makita mo lang siya sa TV ay halos maglupasay ka na sa kilig."
Napakamot ako ng kilay at alanganin itong nginitian. "Ma naman, nakakahiya naman magwawala ako sa harapan niya. Siyempre, pa demure ako dapat. Sobrang demure ng idol ko eh."
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...