Stalker 29

63 4 3
                                    

Nakanguso ako habang pinagkaabalahang tingnan ang kuko ko. Nakaupo ako ngayon sa couch at hinintay si DESTINY KO. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang practice nila.

'Nung isang araw pa umalis ang mama niya at sobrang daming ipinapaalala sa akin bago umalis. Kesyo daw huwag akong pasaway. Huwag ko daw bigyan ng sakit sa ulo ang anak niya. Lilinisin ko raw palagi ang buong condo. And so on and so forth. Hindi ko na nga natandaan kung ano pa yung iba niyang sinabi. Pasok sa tenga labas sa kabilang tenga. Alam ko na naman kasi ang gagawin ko.

Nakakatakot talaga ang mommy ni DESTINY KO. Halata talagang ayaw niya sa akin. Naku, paano na kung mag-asawa na kami ng anak niya? Hindi niya kami bibigyan ng blessings? Siya lang yata ang hindi nadala sa charm ko. Ay, pati rin pala anak niya. Mana pala talaga si DESTINY KO sa mama niya. Huhu..

Agad akong napalingon nang biglang bumukas ang pintuan. Napatayo agad ako at lumapit kay DESTINY KO. Kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya. Bahagyang namumungay ang mata at namumula ang pisngi niya.

"Okay ka lang, DESTINY KO?" Tanong ko sa kanya.

Umubo siya at hinubad ang jacket niya. Naningkit ang mata ko. Anong nangyari sa lalaking ito?

"Gutom ka ba? Gusto mong kumain? Nakapagluto na ako ng hapunan natin." Untag ko ulit sa kanya.

O 'diba? Para na talaga kaming mag-asawa? Siya 'yong galing sa trabaho ta's ako isang dakila at mabait na housewife. Ahehehe!

"Hindi na. Ika na lang kumain. Matutulog na ako." Sagot niya at nilampasan ako at dumiretso sa kwarto niya. Sinundan ko lang siya ng tingin at bumuntong-hininga.

Matamlay akong pumasok ng kusina at naghain para sa sarili. Akala ko pa naman sabay kaming kakain ngayon. Nakakawala kaya ng gana kapag mag-isa lang kumain. Ano kayang problema 'nun at parang matamlay?

Mabilis kong tinapos ang pagkain at hinugasan ang pinagkainan. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Tiningnan ko muna sandali ang pintuan ng kwarto ni DESTINY KO bago pumasok sa kwarto ko. Nakita ko ang pag-ilaw ng aking cellphone kaya dinampot ko 'yon.

Luhan's calling...

"Hello?" Sagot ko.

"Trisha, dumating na ba si Umin hyung?"

"Oo, kararating lang niya at dumiretso agad sa kwarto niya. Anong problema 'nun? Matamlay yata?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "May lagnat 'yon. Hindi niya sinabi na masama pala ang pakiramdam niya at nag-practice pa siya. Nasinat yata."

Napakunot ako ng noo. "Kaya pala.."

"Painumin mo ng gamot, Trisha. Masyadong matigas ang ulo niyan, ayaw lumunok ng gamot."

Tumango-tango ako. "Okay, ako na ang bahala ssa kanya. Huwag kang mag-alala."

"Maraming salamat, Trisha. Sige, goodnight."

"Mm..goodnight."

Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni DESTINY KO at kumatok sa pintuan.

"DESTINY KO?" Kumatok ulit ako. May narinig akong mahinang pag-ungol at pag-ubo. "DESTINY KO?"

Pinihit ko 'yong door knob at nagulat dahil bukas pala ito. Dahan-dahan ko 'yong binuksan at maingat na humakbang papasok sa loob. Tumambad agad sa akin ang malaking kama kung saan nakahiga si DESTINY KO. Nilibot ko ang paningin ko at napasinghap nang makita ko na ang buong kwarto niya. Sobrang linis! Mula sa mga sapatos, mga damit at hanggang sa mga cap niya ay maayos ang pagkaka-arrange! Aba, mas malinis at maayos pa 'tong kwarto niya kesa kwarto ko!

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon