Stalker 30

60 5 0
                                    

HER DESTINY

Bumuntong-hininga ako dahil hindi mawala sa isip ko ang luhaan niyang mukha kanina. Hindi ako mapakali. Why did she cried again? May panibagong problema na naman ba siya?

Napailing ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang guluhin ang isip ko sa mga bagay tungkol sa kanya.

Well, she's my friend at normal naman siguro ang mag-alala para sa kaibigan mo. Napapikit ako ng mariin at napahilamos ng mukha. Gusto kong matulog pero hindi talaga ako dinalaw ng antok. Great. I can't get her off out of my mind!

Hindi siya sumama sa akin dito sa condo dahil doon muna daw siya matutulog kina Jian. Uuwi na lang daw siya ng maaga bukas. Dahil alam kong malungkot siya ay pinayagan ko agad. She needs her bestfriend. Tanging si Jian lang ang masasandigan niya ngayon kung ano man ang problema niya. Hindi ko 'yon ipagkait sa kanya.

Hindi ko alam kung nakakahalata ba ang ibang mga kaibigan namin na may mali na naman sa kanya dahil normal naman siya kanina. What I mean 'normal' is, yung pagiging makulit at pagiging baliw niya.

Todo biruan siya kina Chen kanina at binabara niya lagi ito. Pero dahil alam kong may mali sa kanya, hindi ko pinaniwalaan ang ginagawa at ipinapakita niya kanina. Yeah, I did observe her. Even Jian tried to laugh with her jokes. They both know how to hide their feelings through with their craziness. Especially her.

Hindi ko alam kung paano niya agad naitago ang nararamdaman niya. Siguro dahil palagi na lang siyang nasasaktan kaya natutunan na niya kung paano itago 'yon? I don't know why, but it bothered me so much.

Bumangon ako at kinuha ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Ilang segundo kong tinitigan ang screen ng phone. Inaalala kung ano ang gagawin ko doon. I wanted to text Jian if her bestriend was okay. O 'di kaya ang babaeng 'yon na lang ang tatawagan ko. But what if she's asleep right now? Makakaistorbo naman ako ng tao.

Suminghap ako at ginulo ang buhok. Great! Kailan pa ako naging concern sa kanya ng ganito?

Bumuntong-hininga ako. Well, inaalagaan niya naman ako nang nagkasakit ako noong nakaraang gabi. Kaya pakiramdam ko dapat rin akong mag-alala sa kanya.

Ibabalik ko na sana 'yong phone ko nang umilaw ito at tumunog. Natigilan ako nang makita ang numero ni Jian na tumatawag. Napatayo ako sa kama. Sh--! May masama kayang nangyari sa babaeng 'yon?

"Jian?" Sagot ko sa tawag.

"Hello, Umin oppa? Oppa?"

Napakunot ako ng noo nang marinig ang maingay na background niya.

"Jian." Untag ko ulit sa kanya.

"Xiumin! Oh gosh! Salamat naman at sumagot ka!" Natataranta nitong sabi.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses niya.

"May nangyari ba? Nasaan ba kayo ngayon at bakit ang ingay?"

"Err..oppa, I need your help. Nandito kami sa bar. Si Trish kas--"

"Bar? Anong ginagawa niyo diyan, Jian? Saang bar?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa iritasyon.

Dammit! Ang huling apak nila sa bar ay binabastos sila. Tapos ngayon nagpunta na naman sila sa bar. At sino ang kasama nila? Oh f...!

Pagkatapos sabihin ni Jian ang pangalan ng bar ay agad akong nagbihis at lumabas ng condo. Umigting ang panga ko habang nagmamaneho sa bar na sinasabi ni Jian. Nag-iinit ang ulo ko nang maisip kung anong nangyari noon sa bar nina Chen. Kung paano nabastos ang babaeng 'yon.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon