Final Chapter

29 3 2
                                    

CHEN

"Hyung! Saan ka na naman pupunta?" Rinig kong sigaw ni Tao sa akin. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Itinaas ko lang ang isang kamay ko at kumaway bilang pamamaalam.

Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako pupunta, baka masapak pa ako. Sila na ang bahala ang magpapaliwanag sa kanya. Saka ko na sasabihin sa kanya ang lahat kapag kami na ng pinsan niya para wala na siyang magawa pa. Bwahahahah!

Pagkarating ko sa classroom nila ni Camille ay tumayo muna ako sa tapat ng bintana para hintayin siya. Hindi pa pala tapos ang klase nila. Nakita ko ang pagsilip ng ibang mga kaklase niya sa akin. Ngumiti ako at kumaway sa kanila. Nagtilian sila pero narinig ko ang malakas na sigaw ng guro. Tsk. Ang hirap talaga maging gwapo.

Maya-maya rin ay natapos rin ang klase nila. Nakita ko ang paglabas ng guro nila at ang sama ng tingin sa akin. Ano bang ginawa ko? Tumayo lang naman ako dito. Kasalanan ko bang hindi talaga pwedeng balewalain ang ka-gwapuhan ko?

"Oppa! Pa-autograph!" Patiling sabi ng mga babaeng nasa harapan ko. Kakalabas lang nila sa classroom nila at ako agad ang nilapitan. Ngumiti ako at mabilis na pinirmahan ang mga binigay nila sa akin.

"Ako rin oppa! Pa-picture na rin!"

"Oppa, ang gwapo mo!"

"Jongdae, pahingi naman ng sperm mo!"

Napangiwi ako sa huling sigaw na 'yon. Grabe naman yata 'yon. Gagawin pa akong sperm donor.

"T-Teka lang girls, hinay-hinay lang mahinang kalaban." Awat ko sa kanila nang magsimula na silang magtulakan. Natigilan ako nang makita ko si Camille na dire-diretsong lumabas sa classroom nang hindi man lang ako nilingon.

"Uy, teka! Camille!" Tawag ko sa kanya per hindi man lang siya lumingon at diretso lang ang lakad. Pilit akong lumabas sa mga babaeng nakapalibot sa akin.

"Camille! Wait for me, baby!" Sigaw ko at patakbo siyang hinabol. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng mga naiwan kong fans. Agad ko siyang hinawakan sa braso nang maabutan kaya napahinto siya at nilingon ako.

"Hoy babae, bakit hindi mo man lang ako hinintay?" Untag ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Busy mo eh."

"Naku, nagseselos pa 'to." Inakbayan ko siya pero agad niyang pinalis ang braso ko at tiningnan ako ng masama.

"Hindi ako nagseselos! Ang kapal ng mukha mo." Asik niya sa akin. Ngumisi ako at sinabayan na lang siya paglalakad.

"Teka, bakit ang bilis mong maglakad? Nagmamadali ka ba?" Tanong ko sa kanya nang mapansin ang pagmamadali niya. Tumango naman siya.

"May family dinner kami ngayon."

"Anong meron?"

"Wedding anniversary ng parents ko. Anonh oras na ba?"

Ngumisi ako. "09951234567."

Kunot-noo niya akong nilingon. "Ano 'yon? Cellphone number mo? Oras 'yong hinihingi ko baliw!"

"Text mo ako. Bigay ko lahat ng oras ko sa'yo." Kinindatan ko siya. Agad niya akong binatukan kaya napanguso ako.

"Tae ka! Ang corny mo! Wala man lang originality! Tigilan mo na kakapanuod mo ng tiktok. Bakla ka talaga!" Natatawang asik niya sa akin. Serysoso ko naman siyang tinitigan.

"You know what? I really love my life." Usal ko. Napataas siya ng kilay.

"Aba, malamang! Gwapong-gwapo ka pa naman sa sarili mo!"

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon