Stalker 37

43 4 0
                                    

Tulala ako at nakanganga sa harap ng telebisyon. Kulang na lang hahalikan ko 'yon nang makita ang bagong advertisement ni Kim Yeo Shan. Isang body lotion ang pinu-promote niya ngayon. Ang ganda talaga ng kutis niya, grabe!

Umuga ang sofa kaya napalingon ako. Umupo sa tabi ko si DESTINY KO at kinuha ang remote.

"Huwag!" Sigaw ko agad nang akmang ililipat niya ang channel. Nakakunot ang noong tiningnan niya ako.

"Patapusin mo muna 'yan. Gusto kong makita ang kapatid ko." Nakangusong pakiusap ko sa kanya.

"Kapatid?"

"Yup! Magkamukha kami eh. Lamang lang siya ng ganda sa akin." Bumungisngis ako at kumindat sa kanya.

Napataas siya ng kilay at bahagyang umiling. "You're way better than her."

Tumawa ako. Nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya ay bahagya akong natigilan at napatitig sa kanya.

"You're way better than her."

Tama ba 'yong narinig ko? Tama 'yon! You're way better than her yung sinabi niya 'diba?!

"T-talaga ba, DESTINY KO?" Kinikilig na untag ko sa kanya. Ibig bang sabihin mas nagagandahan siya sa akin kesa sa kapatid ko?! Ganun 'yong ibig niyang sabihin 'diba? 'Diba?

Hindi siya sumagot at inilipat ng ibang channel. Ngumuso ako at sumimangot. Tsh. Aasa pa ba ako na nagagandahan 'yan sa akin? Para ngang hindi ako babae kung tingnan eh.

"Nakakainis na 'yang pang-iinsulto mo sa akin, DESTINY KO ha?"

Nilingon niya ako at bahagyang nagkasalubong ang kilay. "Saang banda 'dun sa sinabi ko ang pang-iinsulto?"

"Yung..you're way better than her. Alam mo bang sobrang ganda ng babaeng 'yon! Girl crush ko 'yon!" Asik ko sa kanya.

"Tsh. I'm not saying that you're prettier than her. As what I have said, you're way better than her."

Natigilan ako at napakurap-kurap. Bahagyang nalito. Compliment ba 'yon o insulto?

"Stupid." Usal niya nang makitang hindi ko yata siya naiintindihan.

Tiningnan ko siya ng masama. "Paano ako naging way better sa kanya? Halos perpekto na ang babaeng 'yon! Maganda, matalino, mayaman, sikat, sexy saka model!"

Sa maganda at matalino lang yata ako pasok. Psh.

"Why do you matter on the physical appearance?" Halos iritado niyang baling ulit sa akin.

Luh. Pag-aawayan na naman ba namin ito?

Napaikot ako ng mata. "Ano pa bang tinitingnan ng mga tao?"

"You're true to yourself, your kind and your honest with your feelings. Isn't that enough that you're way better than her?"

Nalaglag ang panga ko. Gulat na gulat. Hindi ko inakala o naisip man lang na sasabihin niya ang mga 'yan sa akin. Unti-unti akong napangiti.

"And most of all, you're crazy and stupid."

Nawala agad ang ngiti ko at sumimangot. "DESTINY KO naman eh! Okay na sana eh, kinikilig na ako! May pahabol ka pa. Panira ka talaga ng moment, ano?"

Ngumisi siya at napailing bago ibinalik ulit ang atensyon sa tv. Umayos ako ng upo at bumuntong-hininga.

"Pero idol ko talaga siya." Usal ko at nilingon siya. "DESTINY KO, 'yong ex mo ba maganda rin? Kasingganda ba ni Kim Yeo Shan?"

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon