Stalker 38

44 4 0
                                    

HER BESTFRIEND

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari ngayong araw na 'to. Nag-aaway silang dalawa! Ni hindi sila nagpapansinan. Well, sanay na ako kay Umin oppa dahil hindi talaga 'yan iimik at mamansin kung hindi inaasar ng bestfriend ko. Itong kaibigan ko lang ang weirdo. Biruin mo? Nakaya niyang hindi pansinin at asarin si Umin oppa ngayon?

Pero ang ipinagtaka ko ay ang kakaibang kilos ni Umin oppa. Nakakagulat! Hindi pa ako naka-get over sa pagiging posessive niya sa pwesto ni Trish. Like, hello? Magugunaw na ba ang Mercury?

Mercury, okay? 'Yon kasi ang pinakamalapit sa Sun. Saka, hindi ko sasabihin na magugunaw na bang ang mundo, baka magkatotoo hindi pa ako handang mamatay! Wala pa akong matinong lablayp! Huhu..

Anyway, inaabangan ko talaga na mapapatingin sa aking naniningkit na mata si Trish. Akala ko ba magso-sorry siya? Dapat ngayon kinukulit na niya dahil ang tahimik ang mesa namin! Ayoko sa tahimik! Naiinis ako!

Nang mapatingin siya sa akin ay agad ko siyang pinandidilatan. Aba, ang gaga inirapan lang ako! Nag-iinarte din at nagpapakipot! Akala mo naman marunong siya 'nun.

Tumikhim ako. Ba't ba kasi ang tahimik din nitong mga kasama ko? Naiinis ako sa mga nadidinig kong bulungan at hagikhik ng mga malalanding babae na na kabilang mesa. Halatang nagpapansin sa mga kasama ko.

Sumubo ako ng pasta at malakas na nginunguya. Yung may tunog talaga na pagnguya! Yung parang kambing, ganun? Lahat sila napatingin sa akin. Tinaasan ko naman sila ng kilay at inosenteng sumubo ulit at nginunguya 'yon ng malakas!

"Tsh." Singhal ni Kris sa akin at umiling.

May biglang tumunog na phone. Nabaling ang paningin sa kanya. Humabol pa talaga siya ng isang subo bago tiningnan kung sino ang tumawag. Kumunot ang noo nito at sinagot ang tawag.

"Ano? Kumakain ako." Pasuplado niyong sagot. "Bakit. Wala naman. Ano?! Pucha! Mamaya na?! Ba't 'di mo agad sinabi?! Hindi ko man lang nahanda ang ka-gwapuhan ko! Tsk. Bahala ka nga sa buhay mo!" Iritado niyang pinatay ang phone at ibinagsak sa mesa. Ngumiwi ako.

"Sino 'yon, hyung?" Untag ni Tao sa kanya.

"Si Camille."

Natigilan ito at napakunot ng noo. "Bakit siya tumatawag sa'yo? At bakit ganun ka makipag-usap sa pinsan ko?"

"Kasi ganun rin siya makipag-usap, gago! Saka, close na kami eh."

"Close? Kailan pa kayo nagka-close."

Ngumisi si Chen. "Secret. At oo, close na close kami. Inaya akong mag-date eh."

Naubo bigla si Tao at namimilog ang mata habang tinitigan ito. "Anong sabi mo?"

"May date kami mamaya."

"Ano?"

"May date kami mamaya." At inulit pa talaga nito.

"Ano?!" Mas lalong tumaas ang tono ni Tao.

"Sapakin kaya kita para marinig mo? Bingi neto."

Biglang nanlaki yung butas ng ilong ni Tao at kulang na may lalabas na usok doon. "Gago ka ba, Jongdae?! Magsasapakan talaga tayo dahil pinsan ko ang pinupuntirya mo!"

"Ulol ka rin! Ako ang pinupuntirya ng pinsan mo!"

Umiling at ngumuso. Mas tinitingnan ko si Umin oppa at Trish kesa sa dalawang nagbabangayan sa harapan ko. Pasulyap-sulpyap na tiningnan ng bestfriend ko ang destiny niya. Habang ito naman ay patagilid siyang tiningnan. Naningkit ang mata at palipat-palipat ang tingin sa dalawa.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon