Stalker 44

61 5 1
                                    

"Aish. Yah! Seriously, what is wrong with you?" Usal ko habang nakatingin ng masama sa lalaking nasa harap ko ngayon. Maganda na sana ang simula ng araw ko nang bumungad  sa akin ang pagmumukha ng lalaking ito.

Ngumisi sa akin ang damuho at mas lalong inilapit ang bulaklak sa mukha ko. I'm aware that all eyes of our classmates are on us.

"You're beautiful as these flowers."

Parang kinilabutan yata ako dahil sa sinabi niya. Humalikipkip ako.

"Nababaliw ka na ba, Minhyuk? Tigilan mo na 'to." Mariing sabi ko sa kanya.

"Yeah, I'm crazy. Crazy for you. So please accept my feelings for you."

Bakit ba ang kulit ng lalaking ito? Ganito rin yata ang nararamdaman ni DESTINY KO sa tuwing kinukulit siya. Nakakainis nga pala!

"Yah--" Akmang kukunin ko ang bulaklak at ihampas sa pagmumukha niya when someone's back blocking my view. Napatitig ako sa likod niya.

"Move aside. You're blocking the door." Malamig na usal ni DESTINY KO kay Minhyuk.

Sarkatiko siya nitong tiningnan. "Ikaw ang tumabi. Hindi pa ako tapos."

Narinig ko ang pagsinghap ng mga estudyanteng nakatingin sa amin at sumabay rin ako sa pagsinghap nila nang makitang bigla niyang hinablot ang bulaklak mula dito at idineretso sa basurahan na nasa gilid lang.

"You're done. Now, get out of our way."

Umigting ang panga nito at akmang hahablutin sa kwelyo si DESTINY KO nang tinulak siya ng malakas kaya naalis siya sa kinatatayuan niya at muntik pang nakipaghalikan sa sahig.

Tumayo agad siya ng maayos at galit na galit na tumingin kay DESTINY KO. Lalapit na sana siya ulit nang humarang na ako at bahagya siyang itinulak sa noo.

"Hoy, hoy tumigil ka na nga!" Asik ko sa kanya. "Gawin mo ulit ito at hinding-hindi ka na talaga makakapasok pa sa eskwelahang ito. Napaka-abnormal mong mag-isip! Para kang bata na kulang sa atensyon!"

Tiningnan niya ako ng masama. Napaigik ako nang bigla niyang tinampal ng malakas ang kamay ko. Ang sakit!

Bago pa ako makaganti sa kanya ay nakita ko na siyang nakahandusay sa sahig kasabay ng pagkarinig ko ng mga tili at sigawa. Dumudugo na ang ilong niya at mahigpit na nakahawak sa kwelyo niya si DESTINY KO habang ang isang braso ay nakaangat pa sa ere at tikom ang kamao, parang sasapakin pa siya.

"Yah! Kim Minseok!" Tawag ko sa kanya at nilapitan agad siya para mailayo. His jaw clenched tightly at mukang handang-handa ng mambugbog ng tao.

Yinakap ko siya sa baywang at hinila papalayo. Tumulong rin sa pag-awat ang mga kaklase kong lalaki. Akmang lalapit pa ulit siya nang mas lalo kong hinigpitan ang pagpigil sa kanya para hindi siya makawala. May tumulong kay Minhyuk para patayuin ito. Ramdam na ramdam ko ang malalim na paghinga ni DESTINY KO, like he's controlling something.

He looked down like checking something on his hips at biglang nanigas. He cursed violently at lumapit ulit kay Minhyuk, nadala pa ako! Muntik na niya itong masuntok ulit kundi lang napigilan agad ng mga kaklase ko.

"Kim Minseok, tama na kasi!" Sigaw ko sa kanya.

Nagtagis ang ngipin niya. He messed his hair frustratedly. Nagulat ako nang kinalas niya ang kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ako sa braso.

"Ilayo niyo sa akin ang pagmumukha ng lalaking 'yan." Matigas niyang sabi at hinatak ako papasok.

Hayst! Buti na lang may meeting ang mga teachers ngayon kundi disciplinary office kami dumiretso ngayon.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon