Stalker 9

54 8 0
                                    

HER DESTINY

Napaangat ako ng tingin nang bigla akong tinawag ng guro namin. Napatingin na rin sa akin ang ibang kaklase ko.

"Mr.Park wants to talk to you."

Agad akong tumayo. "Excuse me, maam." Nag-bow muna ako sa kanya bago tuluyang lumabas.

Narinig ko pa ang pag-goodluck ng ISA diyan bago ko maisara ang pinto. Kung hindi ako nagkakamali, si Mr.Park ang coach ng soccer team ng school na 'to.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya dinukot ko ito sa bulsa ng slacks.

"Bakit?" Bungad ko kay Luhan.

"Hyung, sa soccer field ka dumiretso."

"Sige.."

Pagdating ko sa soccerfield ay nakita ko si Luhan at Mr.Park na nag-uusap sa gilid malapit sa mga bleachers. Nang masulyapan ako ni Luhan ay kinawayan niya ako. Napalingon rin si Mr.Park sa akin at ngumisi.

Naglakad ako papunta sa kanila. Nang makalapit ako ay nag-bow agad ako sa guro.

"Kim Minseok, right?" Tanong niya sa akin.

"Opo, sir.."

Tumango siya at tumikhim. "Okay, since nandito na kayong dalawa sa harapan ko. May idea na siguro kayo kung bakit ko kayo pinatawag."

Tumango-tango naman kaming dalawa ni Luhan. Halata namang pasasalihin niya kami sa team niya. Former varsity kaming dalawa ni Luhan ng soccer sa eskwelahan namin noon.

"I heard, the two of you are varsity players of soccer in your former school?"

"Opo, sir." Sagot ni Luhan.

"Tawagin niyo na lang akong coach. Ayoko ng sir, masyadong formal."

Napangisi ako at natawa naman si Luhan. "Okay po, coach."

"Kailangan ng dalawang players ang team ko dahil nag-graduate na yung dalawa kong manlalaro. I just wanted to invite the both of you to join our team. Kung..okay lang sa inyo?"

Nagkatinginan kami ni Luhan. Matagal na rin  kaming hindi nakapaglaro ng soccer. Hindi na kami nakatakbo sa isang malapad na field. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti rin ako.

Humarap naman siya kay Mr.Park. "Okay po, coach!"

Napangiti naman si Mr.Park dahil sa sagot ni Luhan. Sumulyap siya sa akin at tumango. "That's good. May try-out bukas. Alas nuwebe ng umaga. Dumiretso kayo dito."

"Sige po, coach. Salamat!"

"Thanks for the time also. You can go back to your classes now."

Nag-bow muna kami sa kanya bago umalis.

"Alam mo hyung, magaling daw na coach si Mr.Park. Kaya palaging nanalo ang team nila. Pero nung nakaraang dalawang taon daw ay natatalo sila, kaya ngayong taon pursigido siya na mananalo sila ulit." Kwento ni Luhan sa akin habang naglalakad kami pabalik sa classroom namin.

"Bakit nga ba natatalo sila nung huling dalawang taon?" Tanong ko rin sa kanya.

Kinawayan niya ang mga babaeng nakakasalubong namin na bumabati sa amin.

"Hindi ko nga rin alam eh. Naikwento lang naman sa akin ng isang kaklase ko. Baka nga minalas lang sila." Kibit-balikat niyang sagot.

Biglang nag-ring ang bell kaya nagkatinginan kami. Ngumisi siya sa akin.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon