CHEN
"Pangit, I need your help."
Pumalatak ako at agad na ibinaba sa desk ang cellphone pagkatapos mabasa ang text ng babaeng 'yon.
"Hayst. Siya na nga 'yong nangangailangan ng tulong. Ang lakas pa ng loob niyang tawagin akong panget. Bulag ba siya? Sa gwapo kong 'to, may gana pa siyang tawagin akong panget? Tsk!"
Nilingon ako ni Lay at napatingin sa cellphone ko. Hindi ko agad siya napigilan nang kinuha niya 'yon at binasa ang text.
"Sinong girlfriend 'to?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Anong girlfriend pinagsasabi mo diyan, hyung?"
Tinuro niya 'yong phone ko. "Girlfriend ang nakalagay dito."
Hinablot ko yung cellphone sa kanya at sininghalan siya.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may syota ka na? O baka nakalimutan ko lang?"
"Lol! Wala akong syota!"
Kumunot ang noo niya at parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Tingnan mo 'to, akala pa yata nagsisinungaling ako. Gwapo lang ako pero hindi ako sinungaling.
"Honest 'to kasi gwapo ako!"
Umiling lang siya at bumalik sa pagsusulat at narinig kong bumulong-bulong. "Sinungaling nga."
"Psh. Isa lang naman 'to sa mga babaeng naghahabol sa akin." Ibinulsa ko ang phone at napatingin ulit sa guro naming kanina pa naglilitanya.
Ngumisi ako nang tumunog ang bell. Agad akong tumayo at isinukbit sa kanang balikat ang bag ko. Nilingon ko si Lay hyung na mabagal na nag-aayos ng mga gamit niya. Napailing ako at naunang lumabas sa kanya.
"Camel!"
Napaikot ako ng mata at nilingon ang tumawag sa akin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Ano na namang kailangan mo?" Asik ko sa kanya.
Naningkit 'yong mata niya at lumapit sa akin. "Bakit hindi ka nagreply sa text ko?"
Kunwari naman akong napaisip. "Bakit nga ba? Ah! Siguro kasi..ang gwapong katulad ko ay hindi mag-aaksaya ng load para sa isang walang kwentang text."
Nanlaki ang mata niya. "Walang kwenta? G-go ka ba? Sabi ko nangangailangan ako ng tulong mo!"
"Edi tumawag ka ng pulis! O 'di kaya tawagin mo si Superman, si Batman o Spiderman. Yung pwedeng tutulong sa'yo. Huwag ako, okay?"
"Ang pangit mo talaga!" Sigaw niya sa akin.
Nakanganga kong itinuro ang mukha ko. "Huh! Ayan ka na naman! Sinungaling na babae!"
"Panget!"
Napakamot ako ulo at tinalikuran siya. Bwesit na babae! Tama bang isigaw na panget ako? Baka masampal siya ng mga fans ko.
"ANONG KLASENG BOYFRIEND KA BA?!"
Napahinto ako sa paglalakad at gulat na gulat na nilingon siya. Umigting ang panga ko nang makitang nasa likuran niya lang si Lay hyung na gulat na gulat rin. Naramdaman ko rin ang mga tingin ng ibang estudyante sa akin. Anak ng--ang gwapo ko talaga! Grabe!
Agad ko siyang binalikan at hinawakan sa braso. Napatingin ako kay Lay hyung.
"Mauna ka na hyung, susunod ako." Binalingan ko rin si Camille. "Mag-usap tayo. Naiinis na ako sa'yo eh."
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...