Stalker 59

42 4 0
                                    

"You look lovely tonight." Usal niya habang pinapaandar ang sasakyan. Napangiti naman ako.

"Ay, tonight lang?" Biro ko sa kanya. Ngumiti rin siya at napailing.

"Pinaghandaan mo talaga."

I'm wearing a black simple dress tonight. Oo, simple lang naman talaga. Pero dahil hindi niya pa talaga akong nakitang naka-dress ay parang isang malaking pagbabago na ang nakita niya sa akin. Plus, I'm wearing a slight make up, that's why. Ngayon lang talaga ako ganito.

"Alangan naman 'no! Girlfriend na ang pagpapakilala ko sa harap ng mga magulang mo mamaya."

"Kahit hindi pa kita girlfriend noon, girlfriend na kita sa isip ni mommy."

I grinned. "Talaga ba? Sana all!" Humalakhak ako. "Akala ko talaga noon, ayaw niya sa akin. Nakakatakot kaya ang mommy mo kapag seryoso."

"Tss. Ang sabihin mo, ang galing niyang umarte. She's a frustrated actress, you know?"

Humagalpak ako ng tawa. "Oo nga 'no? Napaniwala nga ako. Akala ko strict mother talaga siya. It turns out na she's a cool mother pala. Saka, may similarity rin kaya kami ng mommy mo. Kami 'yong nanligaw. Hehehe.."

Natawa naman siya at napailing ulit.

"Ang advance pala mag-isip ng mommy mo 'no? Alam na niyang magiging girlfriend mo ako."

"Kaya nga. Baka ngayong ipakilala kita as my girl, ang iisipin 'nun fiancee na kita. You know, she likes you so much."

"Yeah!" Masaya kong sabi. "Hindi ka rin naman lugi sa mama ko. Gustong-gusto ka rin 'nun. Galing mong magpa-good shot eh."

Nakita ko ang pagngisi niya. Napailing ako at pinaningkitan siya ng mata. Galing na kami sa bahay dahil sinundo niya ako at ipinagpaalam kay mama. Siyempre, sinabihan na rin namin siya tungkol sa relasyon namin.

"Hindi naman ako tutol diyan sa relasyon ninyo. Basta huwag niyo lang pabayaan ang pag-aaral ninyong dalawa. Gawin niyong inspirasyon ang isa't-isa imbes na maging destruction. At saka, huwag munang pakasal ha? Tatapusin mo na ang pag-aaral. Huwag masyadong magmamadali. Just go with the flow." Pangar sa amin ni mama at hinarap niya si DESTINY KO. "At ikaw anak, ikaw na ang may hawak sa puso ng anak ko ngayon kaya pakiingatan. Hindi maiwasan ang masaktan dahil kaakibat na talaga 'yan sa relasyon. It's normal. But don't hurt my daughter intentionally, okay?"

"Yes po, tita. Makakaasa po kayo. I will take care of your daughter." Magalang na sagot nito.

Napangiti ako habang inaalala ang pag-uusap namin kanina.

"Yeah, you have a cool mom too." Usal rin niya.

Napakagat ako ng labi nang gumapang ang kamay niya at hinanap ang kamay ko. He enterwined our fingers. Nag-iinit bigla ang pisngi ko. Kainis! Hindi pa rin ako sanay sa galawan niyang ganito. Of course, tatlong araw pa kaya ang lumipas mula 'nung nangyari sa disciplinary office. Tumikhim ako.

"Uh, oo nga pala. Nagsimula na akong maghanap ng part time job."

Kumunot ang noo niya at sinulyapan ako saglit. "Why?"

Napaikot ako ng mata. "Baka mamatay na kami sa gutom kapag wala na kaming makain. Alam mo na, hindi pa nakakahanap ng trabaho si mama."

I tried to talk with my mother, na titigil na lang muna ako sa pag-aaral dahil kailangan kong mag-trabaho para sa aming dalawa. Ayaw ko namang pag-trabahuin sana siya pero nagalit siya sa akin. Hindi naman daw siya inutil para hindi makapaghanap ng trabaho. Kahit anong mangyari ay huwag daw akong tumigil sa pag-aaral at ikakayod niya ako. Kaya ngayon, tumatanggap siya ng magpapatahi. Pero gusto ko pa ring makatulong at ayaw ko rin siyang pahirapan kaya maghahanap na rin ako ng part time job.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon