Stalker 53

32 3 0
                                    

HER DESTINY

Tinitigan ko ang mga bagaheng dala-dala niya nang lumabas siya sa kwarto niya. I'm sad. Nasanay na ako masyado sa presensya niya. Sa kaingayan at kakulitan niya. I don't know how to cope up my sadness without her presence. But she need to leave. I know that. Her mother needs her.

Tumayo ako sa couch at kinuha ang maleta niya. She smiled at me and muttered a simple thanks. Binuksan ko ang pintuan at pinauna siyang lumabas. Ihahatid ko siya sa bahay nila  kung saan naghihintay na yung mama niya kasama si Jian.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe. I already miss her. Dammit. I'm so whipped! Tumikhim ako at nilingon siya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Noong una, natatakot ako nang sinabi niya sa akin na she's giving up on me and she'll try to move on with her feelings for me. Kasi, paano kung iiwasan niya ako? Paano kung hindi na niya ako papansinin? Especially, when she told me that she will act differently at me and she really tried to ignore me. Damn, I almost lost my cool.

Bakit ba kasi ganyan mag-move on ang mga babae? Kapag nasa moving on process na sila, they will pretend like there's nothing happened. They will act like they didn't know you and they didn't care about you. Kinabahan talaga ako nung hindi niya ako pinansin at nung ayaw na niya akong makatabi. Noon naman, gustong-gusto niyang tumabi sa akin at hindi makukumpleto ang araw niya kapag hindi ako kinukulit.

Mabuti na lang Jian assured me that she'll stop her bestfriend to move on from me. And my friends will do their parts too. And I'll stop her also. No. She can't move on from me whe she made me fall in love with her. Never.

But I felt guilty, when she looked so confused of my sudden change of attitude towards her. Dahan-dahan na akong nagpapakita ng totoong nararamdaman ko para sa kanya.

"Alam mo naman siguro kung gaano ka-manhid ang bestfriend ko 'diba? Ang lakas ng loob niyang magpakita ng nararamdaman niya, pero kapag ikaw na yung magpapakita ng motibo sa kanya daig pa niyang tinurukan ng isang daang anesthesia dahil sa sobrang manhid niya." Tawang-tawang sabi niya sa akin.

Yeah, I agreed to her. This girl was so blunt. Ang hilig niyang magbigay ng pick up lines pero kapag ako na ang nagbibigay ng mga simpleng banat o nagpapakita ng affection ay hinding-hindi niya talaga napapansin at naiintindihan. But she really to love assume. Yung mga bagay na wala naman sanang kahulugan para sa akin ay binibigyan niya ng malisya. May malaking kahulugan 'yon para sa kanya. Pero kapag nagsasalita naman akong nilalagyan ko ng laman at kahulugan ay hindi niya pinapansin at iniintindi. Baliktad talaga ang utak ng babaeng ito.

"Just call me or text me if you and tita have a problem, okay?" Untag ko sa kanya. Nilingon niya ako at tinanguan. Ngumiti siya ng tipid.

"O-okay."

"And if you need money just tell me. Please. You don't have to be shy." Sabi ko ulit na ika-kunot ng noo niya.

"Hindi ako manghihingi ng pera sa inyo. Maybe, I'll ask some help someday pero hindi tungkol sa problema."

Kumunot ang noo ko. "Why? What's problem with that?"

"May mga kamay at paa kami ni mama. Makapaghanap pa kami ng pera. Saka, we have pride and dignity pa naman." Matabang niyang sagot. Bumuntong-hininga ako.

"Alright. Just beep me up if you need some help except for the money, of course."

She nodded and smiled at me again. Nakarating kami agad sa bahay nila at nakitang nakaabang si Tita at Jian sa labas ng gate. Agad bumaba ang kasama ko pagkatapos kong ihinto ang sasakyan. Bumaba rin ako at tinulungan siyang ibaba ang maleta niya.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon