HER DESTINY"DESTINY KO! GOOOD MOOORNIIIINNGG!! HOW WAS YOUR DAY?!"
Huminga ako ng malalim at napailing. Mukhang lagi ng ganito ang araw ko. Masisira lang dahil sa isang baliw at weirdong babae.
Umagang-umaga sisigaw sa hallway. May problema kaya sa akin ang babaeng 'to?
Biglang may humawak sa braso ko kaya tinanggal ko agad 'yon pero ibinalik naman niya.
"DESTINY KO, are you okay?"
Kanina 'oo', ngayon 'hindi' na.
"Ang tagal rin nating hindi nagkita ah! Biruin mo, dalawang araw? Parang pinapatay ako! Bakit ba kasi nauso ang weekend? Sobrang miss kaya kita! Na-miss mo rin ba ako, DESTINY KO?"
Sabihin ko na lang kaya kina Kris na lumipat na lang kami ng ibang school? Tsh..malabo! Nagugustuhan na nila dito. Saka, nangako na ako kay mommy na titino na ako at hindi na ako lilipat pa ng ibang eskwelahan.
"Uy, bakit hindi ka na naman nagsasalita? Nagiging pipi ka na ba ulit?" Inaalog-alog niya yung braso ko.
Bumuntong-hininga ako. Imbes na excited akong pumapasok araw-araw, naging mahirap pa para sa akin kapag ganito palagi ang sasalubong sa akin.
"DESTINY KO! Nakakunot-noo ka na naman!!"
"Shut up." Baling ko sa kanya at tinanggal ulit yung pagkakahawak niya sa braso ko, pero binalik na naman niya kaya napabuntong-hininga na lang ako.
"Ayan, nagsalita ka nga shut up naman. Paboritong line mo ba 'yan?" Nakangusong tanong niya.
"Tumahimik ka na."
"Ay, tinagalog mo pa para maiba! Ayos 'yan."
Naiiritang sinulyapan ko ulit siya. Wala na talaga akong magagawa sa babaeng 'to!
"Alam mo kasi DESTINY KO. Hindi ako pwedeng tatahimik. Bakit? Kasi kung tatahimik ako, 'di na ako magsasalita. Kapag hindi na ako magsasalita, mapapanis ang laway ko. Kapag mapapanis ang laway ko, babaho ang bibig ko. Kapag babaho ang bibig ko, mandidiri ka sa akin. At kapag mandidiri ka sa akin, siyempre lalayuan mo ako. Ayaw ko kayang mangyari 'yon!"
Great! Ang dami niyang palusot.
d>__<b
"Hayy..alam mo bang kawawa ako ngayon pero mas kawawa ang bestfriend ko? Kasi may sakit siya at hanggang ngayon hindi pa siya magaling kaya mag-isa lang ako. Huhu..bibisitahin ko nga siya mamaya eh. Sama ulit ako mamaya sa inyo ha? Hindi ako makakain kapag nag-iisa eh."
So, kailangan niya ng taga-subo?
Bigla siyang humarang sa harapan ko at humalikipkip habang paatras na naglalakad. "Teka nga, bakit ba ayaw mo talagang magsalita ha? Oo, alam kong minsan ka lang talaga iimik pero bakit ganun? Gaano ba kamahal 'yang laway mo at ayaw mong pag-aksayahan?"
Huminto ako at tiningnan siya ng mariin. "Hindi ang kagaya mo ang pag-aksayahan ko ng laway."
Napanganga siya. Well, tama siya. Minsan lang ako magsasalita. At ayaw kong sumagot sa mga tanong na wala namang sense. Hindi ako iimik sa taong walang sense makipag-usap.
"Ah..haha..ahaha..hahaha." tumango-tango siya at napahawak sa dibdib niya. "Ouch! Aray naman! Ang sakit 'nun ah! Tagos sa puso ko 'yon!"
"Ano bang trip mo? Lubayan mo na ako." Tinulak ko siya sa may gilid para makadaan ako.
Humawak na naman siya sa braso ko. "Sinong may sabing nang t-trip lang ako? Seryoso kaya ako."
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...