HER DESTINY
"There are three classifications of elements..the METALLIC , NON-METALLIC and METALLOIDS elements. Some examples of METALLIC elements are: Beryllium, Magnesium, Calcium, Strontium, Barium and Radium. While some examples also of NON-METALLIC elements are: Carbon, Nitrogen, Oxygen, Phosphorus, Sulfur, Chlorine, Selenium, Bomine, Iodine and Astatine. And lastly METALLOIDS elements are: Boron, Aluminium, Silicon, Germanium, Arsenic, Antimony, Pellurium and Polonium."
"Hayy..ang boring."
"Nakakaantok naman 'yan.."
"Nakakadugo ng utak! Huhu.."
Napailing ako. Mukhang naririnig ko pa ang reklamo ng mga kaklase ko kesa yung mga sinasabi ng guro sa harapan. Napatingin ako sa mga kaklase ko. May humihikab at may nangahalumbaba. Konti lang yung nakikinig. May nakita pa akong nagte-text sa ilalim ng desk nila.
"What are the kinds of METALLIC elements? These are..Alkaline metals, Alkaline earth metals and transition metals."
"Elements..elements..elements..tsk! Magagamit ba natin 'yan sa pang-araw-araw na kabuhayan?"
Napalingon ako sa katabi ko. "Hindi ka ba umuutot?"
Gulat siyang napalingon sa akin. Kailan pa naging babae ang katabi ko?
"O-oppa! A-ako ba tinatanong mo?"
Tss..kanino ba ako nakatingin?
"Hindi ka ba umuutot?" Tanong ko ulit sa kanya.
Nanlaki yung mata niya at biglang namula. "Oppa! A-ano bang klaseng tanong 'yan?"
Pinilit niya pang tumawa na para bang ang weird ng biro ko, pero nang mapagtanto niyang seryoso ako sa tanong ko ay bigla siyang napayuko.
"O-of course..lahat naman ng tao n-nauutot rin 'diba?" Alanganing sagot niya at ngumiwi.
"That's carbon dioxide."
Napaangat ulit siya ng tingin sa akin. "Huh?"
"Yung hangin na lumalabas sa katawan natin ay tinatawag na carbon dioxide. Yung hangin na nilalanghap natin para tayo makahinga at mabuhay..'yan ang tinatawag na oxygen.'Yong carbon dioxide at 'yong oxygen. Ano ba ang mga 'yan?"
"E-eh?"
"Elements ang tawag sa kanila. Air, water and fire are also elements. Bakit mo sinasabi na hindi natin magagamit ang elements sa pang-araw-araw nating kabuhayan? Hindi ka ba gumagamit ng tubig araw-araw? Hindi ka ba gumagamit ng hangin araw-araw? Hindi ka ba gumagamit ng apoy araw-araw?"
Napayuko naman siya at parang napahiya. "S-sorry.."
"Elements are very important to our lives. Kung wala ang mga 'yan, mamatay tayo." Dugtong ko. "Huwag kang mag-sorry, wala ka lang talagang alam."
Biglang nanlaki ulit ang mata niya at napasinghap dahil sa sinabi ko. Napailing ako sa reaksyon niya at bumalik ulit sa pakikinig.
"There are three kinds of NON-METALLIC elements. The Chalcogens, Halogens and Noble gases. In METALLOID elements also, there are two kinds...the Lathanides and Actinides. The elements that belong to Lathanides are---Miss Yoon and Miss Park? Are you listening to me?" Puna ng guro sa kanila.
Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa. Kanina ko pa rin napapansin ang mga 'yan na busy sa paghagikhikan.
"What's that?" Tanong ng guro habang nakatingin sa pinag-aagawan nila.

BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...