Stalker 58

35 3 3
                                    

HER BESTFRIEND

"Aray!" Mahinang usal ko at siniko si Tao. "Huwag ka ngang malikot! Nauntog 'yong noo ko sa pinto."

"Ba't ako? Si Luhan hyung 'yong nanunulak!" React naman niya. Pinatahimik naman kami ni Lay kay tumigil kami. Idinikit ulit namin ang mga tenga sa pinto. Napakunot ako ng noo.

"Wala talaga akong marinig. Ang hihina ng boses." Usal ko. Sabay naman na tumango si Luhan at Tao. Mas lalo ko pang idinikit ang aking tenga sa pintuan.

"You look stupid. Tss."

Ngumiti ako kay Kris na nakatayo lang habang nakasandal sa dingding. Walang balak sumali sa mga pinagagawa namin.

"And you're so pa-cool." Untag ni Tao sa kanya. Nagkibit-balikat lamang siya. Siniko ko si Tao at pinatahimik. Nang biglang bumukas ang pintuan kaya sabay kaming lima na bumulagta sa sahig.

"Takte! Ang sakit, pucha!" Malakas na sigaw ni Chen.

"Aray! Ang sakit ng baba ko!" Reklamo ko. 'Yon yata ang naitukod ko sa sahig imbes ang kamay. Grabe. Sakit ah! Narinig ko rin ang sabay-sabay na pag-ungol ng tatlo sa sakit.

"Why are you here? Tsh."

"Anong ginagawa niyo?"

Kamot-kamot pa ang baba na tinangala ko 'yong dalawa. Parehong nakakunot ang noo habang nakatingin sa amin. Tumayo ako at alanganing ngumiti sa kanila.

"Jian, patulong naman oh."

Nilingon ko si Lay at tinulungang tumayo. Tinulungan niya ring tumayo si Tao, Luhan at Chen.

"They were eavesdropping with your conversation." Sagot ni Kris at walang kwenta kaming tiningnan.

"Sumama ka rin naman dito, hyung." Asik ni Luhan sa kanya. Tinuro naman ako ni Kris.

"Did not. She dragged me here." Sumimangot ako at inirapan siya. Binalingan ko ulit 'yong dalawa para tanungin sana kung anong nangyari sa pag-uusap nilang dalawa nang makita ko ang magkahugpong nilang kamay. Namilog ang mata ko at itinuro ang magkahawak nilang kamay.

"Anong ibig sabihin niyan?" Pasigaw kong tanong. Nagkatinginan naman silang dalawa at nagka-ngitian.

"Ayos na kayong dalawa? Hindi ka na galit sa amin, Trisha?" Natatawang tanong ni Chen sa kanila. Tumango ang bestfriend ko at nginitian kami. Kumurap-kurap ako at tinitigan siya.

"Grabe babe, hindi ka man lang nagpakipot! Sana hinayaan mo munang ligawan ka!"

Kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin. "Bagay pa ba sa akin ang magpakipot kung alam niya namang patay na patay ako sa kanya?"

Tumango-tango ako. "Oo nga naman, may point ka rin. Saka, kung magpapakipot ka pa baka isang araw lang bumigay ka na."

"Alam mo Jian, napatawad na kita pero parang gusto kong magalit ulit."

Ngumisi ako at patakbo siyang yinakap. "I miss you so much, babe!"

Naramdaman ko agad ang mahigpit niyang pagyakap rin sa akin. "I miss you too."

"I'm very sorry talaga." Bulong ko sa kanya. Pinigilang umiyak. Gosh, parang sasabog ang puso ko dahil sa saya. Para talaga akong nawalan ng kalahati sa buhay ko noong mga panahong galit siya sa akin at hindi na kinakausap at pinapansin. Sobrang sakit kaya ng nararamdaman ko sa tuwing nagpapanggap siya na parang hindi ako nag-eexist sa mundong ito. Now, I'm so happy that she forgive me.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon