Stalker 22

60 5 0
                                    

HER DESTINY

"Whoohh!!"

Narinig ko ang paghalakhak ni Chen pagkatapos mag-fist bump sina Tao at Kris.

"Mga ulol! Nasa practice lang kayo!" Sigaw niya. "Itong dalawang 'to kung mang-agaw ng bola parang nasa totoong laro na talaga. Ka-team mate lang din naman ang kalaban nila."

"Nagpapakitang-gilas ang dalawang 'yan sa mga fangirls nila." Tawang-tawa ring sabi ni Lay.

Umayos ako ng upo at napatingin sa mga babaeng naghagikhikan sa gilid. Kumaway sila sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Napatingin ulit ako sa basketball court. Papalapit na yung dalawa sa upuan namin. Parehong nakangisi. Habang ang ibang team mates nila ay sinisermunan ng coach.

Nang makalapit sila sa amin ay agad inabot ni Chen ang dalawang bottled water sa kanila. Nakipag-apir muna ang dalawa kina Luhan at Lay bago tinanggap ang binigay ni Chen. Kinindatan ni Tao ang mga babaeng nagsisigawan sa magkabilang gilid namin.

"Ang galing ko 'diba?" Nakangising tanong niya sa mga ito.

Mas lalong nagsisigawan ang mga babae. Humalakhak ulit si Chen at akmang susuntukin si Tao.

"Ugok! Ang yabang mo! Sana ganyan ang ipapakita mo kapag nasa totoong laban ka na!"

Umismid si Tao at pinukpok ang dibdib niya. "Ha! Ako pa? Kayang-kaya ko 'yan. Maliit na bagay."

Napailing sina Luhan at Lay sa sinabi niya. Napailing rin ako. Saan kaya kumukuha ng yabang ang isang 'to?

"Umin hyung."

Napatingin ako kay Kris. Ngumisi siya at lumipat ang tingin niya sa katabi kong upuan kaya napalingon rin ako doon. Kinuha ko yung towel at ibinato sa mukha niya. Tumawa siya at pinunasan ang pawis sa katawan niya.

"Tapos na ba kayo?" Untag ni Luhan sa kanilang dalawa.

Tumango si Kris at nilingon ang coach nila na patuloy parin sa panenermon.

"Bakit pinagalitan ang mga kasama niyo?" Takang-tanong rin ni Lay.

Humagalpak ng tawa si Tao at lumingon rin sa court. "Late sa practice. May mga hangover pa nga eh."

Napatingin ako kay Chen na lumipat sa tabi ko at sinagot yung phone na nagri-ring.

"Hello, sino 'to?" Tumawa siya at bahagyang inilayo ang cellphone sa tenga.

"Sino 'yan, Jongdae? Bagong biktima ng kayabangan mo?" Nakangising tanong ni Tao sa kanya pero hindi niya pinansin ito dahil nakikinig siya sa cellphone niya.

"Ano? Wala akong naintindihan sa sinabi mo. Teka, sino ba 'to?" Humalakhak ulit siya.

Tumayo si Luhan. "Anong oras na ba? Uwi na tayo. Gutom na ako."

Tumayo rin si Lay at isinukbit ang bag sa likod niya. Nag-ayos na rin ng gamit sina Tao at Kris. Tumayo ako at binalingan ulit si Chen na nakakunot-noong nakikinig sa kausap niya sa phone. Nawala yung ngisi niya kanina.

"Hoy Chen, tara na!" Aya ni Tao sa kanya.

"Teka lang. Jian, hinay-hinay lang mahinang kalaban! Wala talaga akong naiintindihan sa sinabi mo. Ano ba ang gusto mong sabihin?"

Napakunot ako ng noo. Napatingin rin ang mga kasama namin sa kanya.

"Si Jian ang tumatawag? Bakit daw?" Tanong ni Luhan.

"Ha? Siyempre may uniform talaga ang waitress. Kailangan niyang magsuot ng revealing na damit--oo, maiksi talaga 'yan! Bar ang pinagta-trabahuan niya eh. To attract customers din 'yan." Tumawa ulit si Chen at napailing.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon