Stalker15

54 8 1
                                    

HER BESTFRIEND

Bumuntong- hininga ako habang nakatingin kay Trish na nakatulala sa isang tabi habang hawak-hawak yung jar na may lamang abo ng papa niya.

Mula nung nagpunta kami sa ospital at nung pagkatapos niyang malaman ang nangyari sa papa niya ay hindi na siya umimik. Lagi na lang siyang nakatingin sa kawalan at nakatulala. Puro tango at iling lang ang isasagot niya sa tuwing tinatanong siya.

Nahuli na ang nakabaril kay Tito noong isang araw. Kusang sumuko ang lalaki. Ligaw na bala pala yung tumama kay Tito. Lasing daw yung lalaki at nag-aamok sa lugar nila na may dala-dalang baril. Saktong dumaan ang sasakyang pinagmamanehuan ni Tito nang nagpaputok ito ng baril. Malas lang talaga at sa dibdib mismo tumama.

Ang sakit sa dibdib tingnan 'yong bestfriend kong masayahin ay parang nawalan na ng pag-asa ngayon. It's been already one week na wala talaga siyang pinapansing tao. One week na rin siyang hindi nakapasok sa school. Okay lang naman dahil alam naman ng mga guro namin kung anong nangyari.

Nung magkaharap si Trish at 'yong lalaki ay galit na galit siya. Halos murahin na niya ito. Paulit-ulit niyang itinanong sa suspek kung bakit nito ginawa 'yon. Ikinuwento pa niya kung gaano kabait at ka-responsable ang papa niya. Kung gaano niya kamahal ito.

Napatingin ako kay Tita na nakatitig rin sa anak niya. Ilang beses na rin niyang sinubukang kausapin ang anak niya pero hindi talaga ito sumasagot. Ang totoo, mas close si Trish sa papa niya kesa sa mama niya. Kaya nga, sobrang lungkot ang nararamdaman niya ngayon. Sobrang nahihirapan siyang tanggapin ang nangyari. Para na rin siyang nawalan ng buhay. Kahit ako, ang tagal ring nagsink-in sa akin ang nangyari. Ang bilis kasi eh. Parang sa isang iglap lang nawala na yung papa niya.

Na-miss ko na 'yong bestfriend ko. Yung bestfriend kong makulit, masayahin, mapang-asar at mahilig manermon sa akin. Ang sakit tingnan na ganyan siya. Walang kabuhay-buhay. Sana bumalik na siya sa dati, alam ko namang babalik siya eh. Kailangan lang niya ng panahon para magluksa. Hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay.

Sa tuwing pumapasok ako sa school ay palaging kinukumusta ng mga guro at mga kaklase namin si Trish. Pati sina Kris ay alalang-alala na sa kanya. Gusto nga sana nilang pumunta dito para tingnan si Trish pero pinigilan ko sila. Hindi pa kasi siya namamansin ng tao. Sumasama din naman ako sa kanila tuwing lunch at break time, wala nga lang akong ganang makipagbiruan sa kanila dahil lagi kong iniisip ang bestfriend ko kung napipilit ba ni Tita kumain, maligo o matulog.

Sa tuwing uuwi naman ako galing school ay dumiretso na agad ako dito sa bahay nila. Minsan kung weekend gaya ngayon ay dito ako matutulog para mabantayan lang siya. Pinipilit ko siyang kumain, maligo at matulog.

"Jian."

Napatingin ako kay Tita. "Po?"

"Pakisamahan muna si Iby dito. Kailangan ko munang umalis."

Tumango ako. "Sige po, Tita."

Sinundan ko lang siya ng tingin nang lumabas ng bahay. Nabanggit sa akin ni Trish na mukhang may trabaho daw ang mama niya na lingid naman sa kaalaman nila ng papa niya. Ang pinagtaka ko lang kung anong trabaho meron si Tita at kung bakit gabi ang pasok. Saka, kailangan ba talaga niyang pumasok ngayon kung saan nagluluksa pa sila? Nagluluksa nga ba siya o si Trish lang? Mukhang wala lang kasi sa kanya. Ewan ko, kung ayaw lang niyang ipakita sa anak niya ang kahinaan niya o wala lang talaga siyang pakialam.

Noon pa, hindi na talaga magkasundo ang mama at papa ni Trish. Lagi na lang nag-aaway. Sanay na nga si Trish eh at sanay na rin ako sa kwento niya tungkol sa mga magulang niya. Maiintindihan naman daw niya kung darating ang panahon na maghihiwalay ang mga ito. Well, sobrang matured na talaga siyang mag-isip. Naiintindihan ang lahat ng rason sa buhay.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon