Kumurap-kurap ako at kinusot ang mata. Ang anghang ng mata ko! Kanina pa yata ako tulala at hindi man lang kumurap! Hindi ko kasi alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Nainis, nagtampo at nahihiya ako kay DESTINY KO. Hindi ko alam, pero halo-halo lahat ng 'yon.
Lumingon-lingon ako sa paligid ng room namin. Ako na lang ang nandito. Kanina pa umuwi ang mga kaklase ko lalong-lalo na si Jian. Nagmamadali pa yata ang bruha para maabutan si Kris. Ang gagang 'yon, namimihasa pa yata sa paghatid ni Kris sa kanya.
Hindi agad ako sumunod kay DESTINY KO nang lumabas siya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Mukhang mas nagalit na yata 'yon sa akin dahil sa pakikipag-debate ko sa kanya kanina.
Ewan ko rin kung bakit ko ginawa 'yon. Nainis kasi ako nang maisip kong bakit siya nagalit sa akin kung siya naman ang nanghingi ng tulong. Parang kasalanan ko pa! Kaya ayon, gusto kong ilabas ang inis ko sa kanya.
Bumuntong-hininga ako at tumayo na. Malamya kong kinuha 'yong bag at isinukbit sa kanang balikat. Pinatay ko yung ilaw at tahimik na lumabas.
Tiningala ko ang langit habang naglalakad sa field. Nag-aagaw na yung dilim at liwanag. May kaonti pang mga estudyanteng nakatambay sa mga benches. Nilibot ko ang paningin ko. May nahuli ang mata ko kaya binalikan ko ng tingin. Mula sa malayo ay nakita kong kumaway sa akin si Sandy habang nakangiti. Nakaupo sa may damuhan.
Oh! My number one fan! Hehe..
Ngumiti ako at kinawayan siya pabalik. May mga kasama siyang dalawang babae at isang lalaki. Nakangiti rin sila habang nakatingin sa akin. Bawat isa sa kanila ay may nakabukas na aklat sa kandungan nila. It's like they're having a group study.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Binati ko pa yung guard nang makalabas ako ng gate. Dumiretso ako sa may waiting shed at umupo doon. Maghihintay ng bus na dadaan. Kinuha ko 'yong phone at binuksan. May dalawang mensahe pala ako.
Jian:
Babe, grabe kinikilig ako! Hinatid na naman ako ni Kris oppa! Kyaaahh! Balak ko sanang nakawan ng halik pero baka upakan ako kaya next time na lang! Hehehe.
PS: Mag-usap kayo ng destiny mo ha? Ingat sa pag-uwi!
Ngumiwi ako at napailing na lang. Ang bruhang 'yon talaga, pati sa text ang daldal!
DESTINY KO:
Hanggang kailan mo balak magmukmok diyan sa classroom natin? May balak ka bang matulog diyan? Just tell me so I won't wait for you.
Namilog ang mata ko at napamaang. Gosh! Two minutes ago lang yung mensahe niya! Almost one hour akong nakatulala doon! Bago pa ako makapagtipa ng reply ay may humintong sasakyan sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at nalaglaga ang panga nang makita ang pulang sasakyan niya.
Nilingon ko ang parking lot at nilingon ko ulit ang sasakyan. Bumaba ang bintana nito at ang sama ng tingin niya sa akin.
"Sakay." Mariin niyang sabi.
Napatayo agad ako at dali-daling pumasok sa sasakyan. Napalunok ako ng laway habang inaayos ang seatbelt. Hindi ko inakala na naghintay pala siya sa akin.
"B-bakit ka pa nandito?" Untag ko sa kanya.
"What do you think?" Malamig na ganting tanong nito sa akin.
"S-sana hindi mo na lang ako hinintay."
Kaya nga dumiretso na ako sa waiting shed dahil buong akala ko talaga ay umuwi na siya. At 'yan din ang gusto kong mangyari kanina. Pero anak ng tinapay! Hinintay niya ako. Hinintay na naman niya ako. At ngayon, he wait for me for almost one hour! Can you believe that? Kasi ako hindi!

BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...