HER DESTINY
"GOOD MORNING, DESTINY KO!"
Napataas ako ng kilay nang mukha agad niya ang bumungad sa akin nang pumasok ako sa kusina. Ngumiti siya nang inilapag sa mesa ang mainit na kape.
"Morning." Maikling sagot ko.
Umupo ako sa mesa at kinuha yung kape. Napatingin ako sa maliit na papel na nakadikit sa tasa. Kinuha ko 'yon at binasa.
Table of contents ka ba? Ikaw lang kasi ang laman ng bawat pahina ng buhay ko.
Napangiti ako at isinilid 'yon sa bulsa ng slacks na suot. Tumikhim ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakatalikod siya at may piniprito. Bihis na bihis na siya. Handa ng pumasok.
Inilapag niya sa mesa ang niluluto niya pagkatapos ay nagtimpla ng gatas para sa sarili. Umupo siya sa harapan ko at nagsimulang kumain. Humigop ako sa kape habang nakatingin pa rin sa kanya.
I don't know of she really likes me. Masyado siyang kumportable sa harapan ko unlike the other girls who liked me. Walang ka-conscious-concious sa katawan. Na para bang kilalang-kilala na niya ako noon pa man. Kaya nga nagdududa ako sa mga sinasabi niya. What if she misunderstood her feelings? What if she only like me like a brother? Or a close friend? What if she'll realize that her feelings for me is not true? Tsh.
"Nagka-boyfriend ka na ba?" Untag ko sa kanya.
Nabitin sa ere ang pagsubo niya at nahulog pa yung kanin mula sa kutsara na hawak niya at napaangat ng tingin sa akin. "Huh?"
Umayos ako ng upo at humalikipkip. Tinaasan ko siya ng kilay at walang balak ulitin ang tanong ko. I'm sure she heard it.
Kumurap-kurap siya at dahan-dahang ibinaba ang kutsara. "Ba't mo naman naitanong 'yan?"
Nagkibit-balikat ako. "Just asking."
Umayos rin siya ng upo at tumikhim saka ngumisi. "Hindi pa nga sabi. Kung liligawan mo ako, ikaw ang unang magiging boyfriend ko. Hehehe.."
"Do you really like me?" Seryosong tanong ko ulit sa kanya. Hindi pinansin ang kabaliwan niya.
Nawala yung ngisi niya at napakunot ng noo. Maya-maya ay bumuga siya ng hangin at napailing.
"Halos isampal ko na nga sa pagmumukha mo kung gaano kita kagusto. Gusto mo bang isulat ko pa sa kahoy at ihampas sa'yo para damang-dama mo?"
Sininghalan ko siya at tiningnan ng masama. "Paano kung nagkamali ka lang sa nararamdaman mo? Baka tinging-kaibigan o tinging-kapatid lang?"
Sumeryoso ang mukha niya at napatitig sa akin. Lumabas na naman yung aura niyang sobrang sarkastiko kung tumingin sa'yo. Pakiramdam ko kapag ganyan siya ay walang halong biro at kabaliwan ang lalabas sa bibig niya.
"Paano mo naman 'yan nasabi?" Nakangiting tanong niya.
She looks and sounds so sarcastic when she's serious. Especially when she gave you a sarcastic smile.
Tumikhim ako. "Masyado kang confident. I mean, you're too comfortable with me. Hindi ganyan ang kadalasang kilos ng babae kapag nagkagusto sa lalaki."
Ang alam ko, when a girl likes a boy, she got nervous, conscious with herself. Stammering when talking to a guy she likes. I mean, hindi naman lahat ng babae ay ganyan ang reaksyon, may iilan ding alam kung paano i-compose ang sarili pero kakaiba talaga 'yong sa kanya. Imposibleng magiging ganyan ka-kumportable ang babae sa lalaking nagugustuhan niya.
Even the guy like me, kung sino man 'yong babaeng magugustuhan namin, nahihiya rin kami. Unless, kung magiging kaibigan namin 'yon, parang magiging kumportable ng konti. Magiging kumportable ka na ng tuluyan sa isang tao kung magiging girlfriend, boyfriend o magiging asawa mo na siya. I'm confuse with her actions. Kung gusto niya ba talaga ako o pang-aasar lang niya 'yon sa akin.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...