Stalker 52

32 5 5
                                    

"Pwede ka bang makausap?" Untag ko sa kanya. He's playing with his videogames. Hindi ko na sana siya iistorbohin pa pero kailangan talaga naming mag-usap. Lalo na at sa susunod na araw na lalabas si mama sa hospital.

Saglit niya akong sinulyapan at bumalik ulit sa paglalaro. "About what?"

Umupo ako sa tabi niya. "Tungkol sa pag-alis ko dito."

Kitang-kita ko ang pagkatigil niya sa pagpindot ng PSP niya kaya siya na-game over. Dahan-dahan niya akong nilingon at kumunot ang noo.

"You will leave me?"

Napailing ako. "Lalabas na si mama sa hospital at hindi ko hahayaang mag-isa lang siya sa bahay. I need to go home."

Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong-hininga. "Yeah, I forgot about that."

"I'm sorry. Kailangan mo ng maghanap ng pamalit sa akin."

Wala sa sarili siyang tumango tapos umiling. "Hindi na. Kaya ko namang mag-isa. Nakaya ko nga noong wala ka pa."

Tinitigan ko siya. "Sigurado ka? Gustong-gusto ng mommy mo na may makakasama ka dito."

Sa totoo lang, half of me ay ayaw umalis dito. Nasanay ako dito sa condo niya and it feels home for me. Pero hindi ko naman makakayang iwan si Mama sa bahay namin. Kaya wala akong choice kundi ang umalis dito, even if, I will miss him so much. Pero sa kabilang banda, okay na rin 'yon. Makapag-move on na rin ako sa nararamdaman ko para sa kanya. I will forget him by and by.

"Yeah. O baka magpapadala na lang si mama ng katulong dito mula sa bahay namin."

Napakagat ako ng labi at tumango-tango. Nagsimula ng kumirot ang puso ko. Lihim kong tinapik ang dibdib ko. Ano ka ba naman, Trish! Magkikita pa naman kayo sa school! At saka, 'diba magmo-move on ka?

Tumikhim ako para mawala 'yong bikig sa lalamunan ko. "Uhh..samalat nga pala sa tulong mo at sa pagtanggap mo sa akin dito. Kahit minsan gusto mo na akong patayin dahil sa inis pero tiniis mo pa rin ako. S-Sorry kung..kung palagi kitang kinukulit at inaasar. 'Yon lang kasi ang paraan para mapansin mo ako."

Lumunok ako ng laway. Yeah, this is it. I will confess para makawala na ako ng tuluyan sa nararamdaman kong ito. Naramdaman ko ang pagbaling niya at ang paninitig niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Nakatitig lang ako sa flower vase na nakapatong sa center table.

"Mahal kita. 'Yan ang totoo. Masaya ako kapag kasama kita, lalo pa't kinausap mo rin ako. Alam mo bang napakalaking achievement para sa akin kapag napangiti at napatawa kita? Parang worth it 'yong masasakit na salita ang binato mo sa akin noon. Worth it 'yong pagiging walang pakialam mo sa akin at worth it 'yong pagre-research ko ng mga pick-up lines for you. Nakakainis nga eh, kahit naiinis at nagtatampo na ako sa'yo ay hindi talaga kita matiis. Mahal nga kasi kita." Tumawa ako at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng luha.

"Tell me, why do you love me?" Rinig kong mahinang tanong niya. Mapait akong ngumiti.

"Minsan natanong ko na rin 'yan sa sarili ko. Ano bang nagustuhan ko sa lalaking ito? Bakit parang baliw na baliw ako sa kanya? Ilang beses na kaya akong nasaktan dahil sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot." Bumuntong-hininga ako at nag-angat ng tingin sa kanya. "You know what? Noong unang pagkikita natin..kitang-kita ko talaga ang lungkot sa mga mata mo. Walang kabuhay-buhay. Kaya lang mas napagtuonan ko ng pansin ang ka-gwapuhan mo noon at type na type talaga kita. Yes, I had a big crush on you pero hindi ko naman inakala na mamahalin pala kita. Nung nagkita ulit tayo, hindi ko na makita ang lungkot na nakita ko sa mga mata mo noong gabing iyon, kasi hindi na ako lasing. Hindi ko na mapapansin iyon. Pero hindi ko nakalimutan 'yon, kaya naisipan kong makipag-kaibigan sa'yo because I want to know you. But you didn't care. Nasabi ko sa sarili ko, ay ang lalim naman ng pinaghuhugatan sa buhay ang lalaking ito. Ano kaya talaga ang problema nito? That's why naisip ko, aalamin ko kung anong problema ng taong 'to. Kinukulit at inaasar para lamang makakita ng reaksyon sa mukha mo. But I didn't expect that I will fall for you dahil sa mga pinagagawa ko."

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon