Stalker 39

48 5 6
                                    

CHEN

"Hoy babae! Asan ka na? Kapag ako nababagot na dito, wala talagang double date na mangyayari!"

Pang-ilang text ko na itong pinadala sa kanya pero wala pa rin siya. Hindi pa nag-abalang mag-reply! Ang kapal rin ng mukha. Siya na nga 'yong nangangailangan ng tulong ko, ako pa 'yong pinaghintay!

Inayos ko ang kwelyo ng polo shirt ko. Hindi na akong nag-abalang magbihis pa dahil naniniwala ako sa ka-gwapuhan ko. Kapag nagpapa-gwapo ako lalo, baka mamatay sa inggit 'yong ex ni Camille at magkagusto sa akin 'yong girlfriend niya. Tsk!

"Lol! Papalabas na ang kagandahan ko. Wait ka lang."

Napangiwi ako sa kauna-unahang reply niya sa mga text ko. Kagandahan daw? Saan kaya kumukuha ng kakapalan ng mukha ang babaeng 'to? Psh.

"Bilisan mo! Within 5 minutes kung wala ka pa dito, aalis na ang ka-gwapuhan ko! Mahirap kay pagka-guluhan dito sa coffee shop!"

Ngumisi ako at kumaway sa mga babaeng kanina pa nakatitig sa akin at nagbubulong-bulungan. Kumaway din sila at bahagyang nagtilian. Buti na lang wala sila Kris hyung dito, solo ko ang spotlight! Hehe.

"Duh. Yabang mo. Hindi ko nga alam kung saang banda makikita ang ka-gwapuhang sinasabi mo."

Umingos ako at inangilan ang cellphone na hawak ko dahil sa reply niya. Tingnan mo nga ang babaeng 'to, masyadong bitter! Saka, reply ng reply hindi binilisan ang pagpunta dito!

"O-oppa.."

Napatingin ako sa gilid ko at may nakitang babaeng nakatayo doon. Ngumiti ako sa kanya kaya hindi nakaligtas sa akin ang pagpula ng pisngi niya. Grabe, iba talaga ang kamandag ko! Tsk.

May ibinigay siya sa aking parang isang maliit na notebook. Nang binuksan ko 'yon ay collection at ginawang collage ang mga pictures ko. Ang ganda nga ng pagkagawa eh. Talented din pala sa Arts itong mga fans ko.

"Whoah, ang ganda naman nito Miss. Ang galing mo pala." Bulalas ko na mas lalong ikinapula ng pisngi niya.

"S-salamat oppa.."

"Ano bang gagawin ko dito? Pipirmahan ko?"

Tumango siya at alanganing ngumiti. Naglahad ako ng kamay at nanghingi ng ballpen sa kanya. Ngumisi ako nang bahagya siyang nataranta at nanginig pa yung kamay niya nang inabot niya ang stabilo pen na kulay pink.

"Relax, hindi nangangagat ang ka-gwapuhan ko." Kumindat ako sa kanya.

Nalaglag ang panga niya at parang mahihimatay na.

"Oppa..idol na idol ko po talaga kayo." Wala sa sariling usal niya.

Agad kong pinirmahan 'yon at nakangiti pa ring ibinalik sa kanya. Sunod-sunod siyang nag-bow. Inabot ko yung ulo niya at ginulo ang buhok niya. Nakarinig ako ng mga singhap at pati siya ay natigilan.

"Okay lang mag-idolize ng tao basta hindi napabayaan ang pag-aaral. Huwag niyong hayaang masira ang kinabukasan niyo dahil lang sa mga idol niyo. Ayaw namin ng ganun. Okay?"

Nakatitig lang siya sa akin at napakurap-kurap. Parang namaligno. Tsk. Ang gwapo ko talaga.

Nang matauhan siya ay agad siyang nag-bow ulit. "Thank you oppa!"

"No problem." And I winked at her.

Napahawak siya sa magkabilang pisngi at agad na tumalikod. Bumalik siya sa mga kaibigan niyang naghihintay lang sa kabilang mesa. Nagtilian sila nang ipinakita nung babae ang collage notebook niya na pinirmahan ko.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon