HER BESTFRIEND
PAK!
"Ouch!" Halos pasigaw kong sabi. Napalakas naman yata ang pagsampal ko sa sarili ko.
"Tsh. Hindi talaga ako magtataka kung bakit naging mag-bestfriend kayong dalawa. Pareho kayong baliw." Matalim ang tingin niya sa akin. Ngumuso ako.
"Eh kasi naman Umin oppa, masyado mo akong binulabog sa rebelasyon mo ngayon! Pero, totoo ba 'tong naririnig ko mula sa'yo? Walang halong biro?" Pagkukumpirma ko pa sa kanya. Nawindang talaga ang isipan ko! Hindi talaga ako makapaniwala. I really can't believe it! Leche, ini-english ko lang naman.
"Yeah, and I need your help." Usal nito. Seryosong-seryoso.
"Baliw ka ba? Mukhang hindi mo naman kailangan ang tulong ko. Masyado ng baliw ang kaibigan ko sa'yo."
"Yeah, I know. But I have a plan. Kailangan ko ng tulong mo." Napakunot ako ng noo.
"Anong plano ba 'yan?" Ngumisi siya. Napakurap-kurap naman ako. Maya-maya ay unti rin akong napangisi.
"Jian." Bungad sa akin ni Trish.
"How's tita?" Tanong ko sa kanya at nilagay sa mesa ang mga bulaklak at prutas na dala. Agad niya akong tinawagan nang gumising na ang mama niya. Napatingin siya sa likuran ko at napakunot ng noo.
"Bakit sila nandito?"
"Hi, Trisha!" Sabay-sabay na bati ng mga kasama ko sa kanya.
"Bumibisita lang kami!"
Ngumiti siya. "Hali kayo, pumasok kayo. Buti naman napadaan kayo rito."
"Oo, namiss namin kadaldalan mo eh." Masiglang sabi ni Tao. Tumawa naman ang bestfriend ko at binalingan si Tita. "Ma, mga kaibigan ko po pala."
"Hi po, tita!" Masiglang bati ni Chen dito. Kumaway naman ang iba.
"Ikinagagalak ko kayong makilala. Salamat sa pagdalaw." Nakangiting bati rin nito.
"Wala pong problema. May dala nga po pala kaming regalo sa inyo." Usal ni Luhan at binigay ang isang may kalakihang box. Bahagyang napabangon si Tita.
"Ay naku, nag-abala pa kayo."
"Huwag po kayong mag-alala, Tita. Napkin at tissue lang po ang laman niyan." Sabi ni Chen na agad namang binatukan ni Kris. "Joke lang po." Bawi agad nito.
Natawa naman si Tita. "Masaya ako na may mababait na kaibigan ang anak ko. At least, hindi siya nag-iisa at masyadong nalungkot sa panahon na iniwan ko siya. Salamat sa pagpapasaya sa anak ko." Bahagya siyang yinakap ni Trish.
"Naku po, Tita. Masayahin po kasi yung anak ninyo at kamahal-mahal." Sagot ni Tao at kinindatan pa si Trish.
"Naku Tao, basketball player ka talaga 'no? Ang hilig mambola!" Pang-aasar niya dito.
Tawa ng tawa lang kami habang nagku-kwentuhan. Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang kaibigan ko ngayon. Yung totoong saya talaga. Salamat naman sa Diyos na binigay na Niya ang kaligayahan sa bestfriend ko.
"Kailan ka ba ulit papasok, Trisha?" Untag ni Lay sa kanya.
"Papasok na ako sa Wednesday. Halos two weeks na akong absent eh."
Ilang minuto pa bago nagpasyang umalis ang limang lalaki. Hindi pa rin sana ako aalis nang itinaboy na naman ako ng magaling kong bestfriend kaya wala na akong magawa kundi ang umuwi na rin. Oh well, makikisabay na naman ako kay Kris oppa. Hehehe.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
ФанфикYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...