"I will just take this call."
Natigil ako sa pagsimsim ng kape at pinagmasdan ko siyang tumayo at sinagot ang tawag. Lalabas pa yata.
"Yeo Shan." Rinig kong usal niya bago sumara ang pintuan.
Napakagat ako ng labi nang bahagyang kumislot ang puso ko. Mukhang sinubukan nga nilang ayusin ang relasyon nila. Wala naman akong karapatang pigilan siya. And besides, tinulungan ko siya and I was the one who suggested it to him. Pero hindi ko lang talaga maiwasang masaktan at magselos because I have a feelings for him. I love him. And I guess, magsisimula na akong baguhin ang nararamdaman ko para sa kanya.
I sipped the coffee again and unlike a while ago, it tastes bitter now. Sumabay pa yata sa nararamdaman ko ang panlasa ko. Ang hirap tuloy lunukin nung kape.
Nilingon ko si Jian na nangahalumbaba habang tulala. Mukhang malalim ang iniisip. Napakunot ako ng noo. What's wrong with her?
"Are you okay?" Untag ko sa kanya.Bumaling siya sa akin at naningkit ang mata.
"Okay lang ba 'yong destiny mo?"
Napataas ako ng kilay dahil sa tanong niya. "Bakit?"
"Wala ka bang napapansin sa kanya?"
Umiling ako. Ano bang ibig niyang sabihin?
Napakamot siya ng batok. "Hindi eh. Parang may kakaiba sa kanya. Hindi ko lang ma-point kung ano. It's like.. he changed towards you. I mean, parang masyado na siyang nagtuon ng pansin sa'yo? The way he looked at you..basta! May nag-iba talaga sa kanya!"
Napailing ako. "Hindi ka lang sanay na mabait siya sa akin. Friends na nga kami 'diba? Masyado ka yatang nasanay sa bangayan naming dalawa? Saka nag-usap na sila ng ex niya. Mukhang nagkakabalikan na yata."
I even shrugged my shoulder as if it's not really a big deal. Namilog ang mata niya at napasinghap.
"Talaga ba?" Di-makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako at ngumuso. Humigop ulit ng kape. I should think of my mother's situation first saka na 'tong linsyak na lovelife ko.
Nilingon ko si mama at tinitigan ang payapa niyang mukha habang natutulog. Hindi ko talaga maiwasan na sisihin ang sarili ko. Sana hindi na lang ako umalis at iniwan siyang mag-isa sa lalaking 'yon. Sana hindi na siya umabot sa ganito. Suminghot ako para maiwasan ang pag-iyak muli.
Nang pumasok ulit si Minseok oppa ay may kasama na siyang doktor at dalawang lalaking nurse na may dalang stretcher.
"Handa na yung ambulance sa labas. I-transfer na natin ang mama mo." Untag ng doktor sa akin. Tumango ako at tumayo. Tumayo rin si Jian sa gilid ko.
Pinagmasdan ko silang pinagtutulungang buhatin si mama at inilipat sa stretcher. Sumunod kami ni Jian nang lumabas na sila.
Hawak-hawak ang kamay ni mama habang nasa loob kami ng ambulansya. Kasama ko si Jian. Tiningnan ko lang si mama at pinagtuonan ng pansin ang pagtaas-baba ng dibdib niya dahil sa paghinga.
Nakasunod sa amin si Minseok oppa dala ang sasakyan niya.
"I already told mom and dad sa nangyari, bibisita daw sila mamaya. Pinadiretso ko na lang sila sa hospital na pupuntahan natin." Untag ni Jian sa akin. Tumango ako at bumuntong-hininga. Paulit-ulit akong nagdasal kanina pa. That He will save my mother. And I know that He will save her. He always love His people. Pumikit ako ng mariin.
Ilang minuto pa ang dumaan nang namalayan kong huminto na ang ambulansya. I guess we're already here. Bumukas ang pintuan ng ambulansya. Dalawang lalaking at isang babaeng nurse ang nagtulungan para maibaba si mama. Tumulong na rin 'yong driver. Sabay kaming bumaba ni Jian. Sinundan namin sila hanggang sa ipasok nila sa mama sa isang kwarto. May sini-check pa yung babaeng nurse at tiningnan ang dextrose bago lumabas kasama nung dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanficYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...