Stalker 26

59 6 1
                                    

HER DESTINY

Sinundan ko siya ng tingin habang papasok sa condo. Dumiretso siya sa kusina para ilagay doon ang mga binili namin. Sumunod rin ako sa kanya para ilagay din doon ang iba pa naming pinamili at ang dala-dala kong pagkain na inorder ko pa sa drive-thru.

"Hey." Untag ko sa kanya pero sinulyapan niya lang ako at sinimulang i-arrange ang mga pinamili namin.

"Let's eat first, come on." Sabi ko sa kanya. Bumuntong-hininga ako nang hindi pa rin siya umimik. Lumapit ako sa kanya at tinulungan sa ginagawa niya.

"Hindi ka pa ba gutom?" Untag ko ulit sa kanya. Tinalikuran niya ako at inilagay ang mga gulay at prutas sa refrigerator.

"Kumain ka na, nawalan na ako ng gana." She took for a minutes before she answered me.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Hey."

Humarap siya sa akin. Akala ko may sasabihin siya sa akin pero mahina niya lang akong itinabig para makadaan. What the hell?

Bumuntong-hininga ako at sinundan ulit siya. "Look, pasensya na okay? Pero mas madali kasi kong mag-drive thru lang tayo. Gutom na ako at gusto ko ng makauwi agad."

"Psh. Ayaw mo lang talagang kumain sa karenderya. Arte." Mahinang sabi niya habang nilagay sa isang kabinet ang mga canned goods.

Ayoko naman talaga. That's what I told her earlier. Siya lang yung ayaw umintindi sa sinabi ko.

"I already told you that I never--" Naputol ang ibang sasabihin ko nang bigla siyang humarap sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.

"Hindi nakakalason ang mga pagkain sa karenderya, Kim Minseok."

My jaw dropped. Did she just called me by my whole name again this time? Napansin ko lang, sa tuwing magseseryoso siya ay tatawagin niya ako sa buong pangalan. And I have a different and unexplainable feeling everytime I heard it. Well, minsan lang kasi niya ako tatawagin sa buong pangalan.

Bumuntong-hininga ako. Nagtatalo kami kanina kung saan kami kakain. She kept insisting na sa karenderya kami kakain pero hindi ako pumayag. Natahimik lang siya nang dumaan kami sa drive-thru. Ako ang nagmamaneho at ako ang amo kaya ako ang masusunod. Hanggang bumalik kami dito sa condo ay hindi na siya umimik pa. Ni ayaw akong pansinin.

Hindi naman yata siya nagtatampo dahil hindi ko naman nakita sa mukha niya ang nakangusong labi at masamang tingin. Mukhang galit nga yata.

"Okay, next time sa karenderya  na tayo kakain." Pagsuko ko.

"Sinungaling." At tumalikod siya para ipagpatuloy ang ginagawa.

What the hell?

"I'm not lying, okay? Let's eat with your favorite carenderia next time." Pilit kong kinalma ang boses. What's with this girl?

Napahinto siya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. At gusto kong sapakin ang sarili sa mga pinagagawa at pinagsasabi ko nang makita ang nakangisi niyang mukha. Bakit ko nga ba siya sinusuyo? Ginagago ba ako ng babaeng 'to?

"Talaga? Promise? Sabihin mo, promise!"

Tiningnan ko siya ng masama. "Why would I say promise to you?"

"Eh baka kasi inuuto mo lang ako!" Ngumuso siya.

"Why would I?"

"Basta! Mangako ka na lang, DESTINY KO. Sige na!"

"I told you I'm not lying!" Iritado kong sinabi. "Gagawin ko kung anong sinasabi ko. Just don't make me say that word!"

Lumapit siya sa akin at nanlaki ang mata. "Bakit? Allergic ka ba salitang 'promise'?"

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon