"DESTINY KO WAIT!" Tawag ko sa kanya nang dumiretso agad siyang lumabas ng classroom."DESTINY KO, hintay naman kasi!" Sigaw ko ulit.
Aish! Ano na naman bang problema niya? Kanina pa siya parang galit sa akin eh. Balak pa niyang makipagpalit ng partner. Ganyan ba talaga siya kagalit sa akin at pati makipagpartner sa akin ay ayaw niya?
Ngumisi ako. Sorry na lang sa kanya. Sa nakatadhana kami para sa isa't-isa eh! Wala na kaming magagawa 'run!
Hinabol ko siya at sinabayan sa paglalakad. "Woohh! Grabe ang bilis mong maglakad! Kapagod.." hinihingal na sabi ko. Papunta na siya sa parking lot.
"Teka, hindi mo ba hihintayin sina Chen? Hindi ba kayo magkasabay umuwi?" Tanong ko sa kanya at lumingon-lingon.
Ano namang klaseng barkadahan ang mga 'to at hindi man lang sabay umuwi?
Bakit Trish? Pareho ba sila ng bahay na uuwian? Saka, may sasakyan sila isa-isa baka nakalimutan mo?
Oo nga pala..pagsang-ayon ko sa sinabi ng kabilang isip ko.
Teka! Bakit ba ako nakikipag-usap sa sarili ko?
Malamang Trish, sino pa bang sasagot sa'yo? 'Yang katabi mo? Asa ka pa!
Napatingin ako kay DESTINY KO. Bakit ba kasi minsan lang siya magsasalita? Mababaliw na ako ng maaga nito dahil sarili ko na lang mismo ang sasagot sa mga iniisip ko.
"DESTINY KO, uuwi ka na ba?" Tanong ko ulit sa kanya.
Sige lang Trish, try and try until you die!
"DESTINY KO? Uyy!"
Pambihira! Parang walang narinig ah.
"DESTINY KO? Yohoo!"
Tatalon kaya ako sa building para mapansin niya? Huwag na! Mamatay pa ako at hindi ko na siya makikita.
"DESTINY KO.." Pakanta kong tawag ulit sa kanya.
Napakamot ako ng ulo. Ang hirap magpapansin ah! Grabe mandeadma ang lalaking 'to!
"DESTINY KO, galit ka ba sa akin?"
dT__Tb
"Ano namang nagawa ko ha?"
Ayaw pa rin?
Huminga ako ng malalim. "DESTINY KO, bakit ba ayaw mong--" bigla siyang huminto at humarap sa akin.
"ANO BANG KAILANGAN MO HA?!"
Bigla akong napahinto sa paglalakad. Gulat na gulat ako habang napatingin sa mukha niyang namumula sa galit. Kumurap-kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala sa umuusbong galit na nakikita ko sa mukha niya. May mga estudyante ring napahinto at napatingin sa aming dalawa.
S-sinigawan niya ba ako?
Napakagat ako ng labi nang makita ang pag-igting ng bagang niya at nagpipigil ng galit. Napaatras ako ng konti.
Oh my God! Galit na galit talaga siya! Sa pangatlong beses na nagalit siya sa akin, ito na yatang nasagad ko siya ng husto! Bakit? Ano bang ginawa ko? Hindi naman ito ang first time na kinukulit ko siya ah! Bakit kakaiba yata ang galit niya sa akin ngayon?
Lumingon-lingon ako sa paligid. Nang makita ko ang mga estudyanteng nakatingin sa amin ay tiningnan ko sila ng masama. Mabilis naman silang nagsiyukuan at nagkunwaring walang pakialam. Pero may iba pa ring sumusulyap sa amin. Ang chismoso ng mga tao dito! Grrr..
"Ano bang problema mo sa akin? Bakit ka ba sunod ng sunod?" Mariin at salubong ang kilay na sabi niya sa akin at parang nagpipigil ng sumigaw.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanficYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...