Stalker 23

68 5 1
                                    

Sinamahan ako ni Jian para magbihis ulit. Pagkatapos ay nahihiyang nagpaalam kina Lisa at Rosie. God, hindi man lang ako umabot ng isang araw dito.

"Sorry girls, hindi ko pala talaga kaya. Unang pasok ko pa lang ganito na agad ang nangyari."

Tumango si Rosie at ngumiti si Lisa. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-intindi nila sa akin. Parang natatakot rin ako para sa kanila. Hindi imposibleng mangyari sa kanila ang nangyari sa akin kanina.

"Naiintindihan ka namin. Malas mo lang talaga at nabastos ka agad ngayong gabi. Infairness naman kasi sa'yo girl, hindi talaga pang-waitress ang beauty mo. Mag-model ka na lang kasi!"

Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Lisa. Bakit ba pinipilit nila sa akin 'yan? Walang karapatan ang tulad ko na maging model. Sumulyap ako kay Jian na nakasandal sa may pintuan at nakahalukipkip habang naghihintay sa akin. Bahagyang nakataas ang kilay habang nakatingin sa aming tatlo.

"Ang astig mo kanina ha? Tapang mo pala." Nakangising untag naman ni Rosie sa akin.

Pilit akong ngumiti at napakamot ng ulo. "Ah..hehe..oo nga eh."

Hindi ako matapang. Talagang ganun ang magagawa ng isang taong galit na galit at sobrang naiinsulto. Kung pwede ko lang sirain ang pagmumukha ng lalaking 'yon, ginawa ko na!

"Ah, kailangan ko ng umalis. Naghihintay na yung bestfriend ko eh. Pasensya na talaga kayo ha?" Hinging-paumanhin ko ulit sa kanila.

"Naku! Bakit ka ba humihingi ng pasensya? Okay lang 'yon!" Nakangiting sagot ni Lisa sa akin.

Bumuntong-hininga ako. "Mag-ingat kayo ha? Baka sa susunod kayo na naman ang mababastos."

Ngumiwi si Rosie at umiling-iling. "Huwag mo na kaming alalahanin. Sanay na kami dito sa trabaho namin. Saka, hindi naman kami masyadong pansinin eh. Hindi naman kami kasingganda at kasing-hot mo!" Humalakhak siya

Ngumuso ako. "Kahit na 'no! May mga tao talagang loko-loko kaya mag-ingat pa rin kayo!"

"Oo na! Oo na! Salamat sa pag-alala." Tinulak nila ako papunta sa pinto. "Umalis ka na at baka masabunutan na kami ng bestfriend mo. Ang sama ng tingin oh."

Patuloy pa rin nila akong itinulak hanggang sa makalapit kami kay Jian. Umayos ito ng tayo. Tumigil ako at hinarap ulit ang dalawa.

"Salamat sa pag-welcome niyo dito sa akin ha?"

"Sus! Wala 'yon, ikaw pa! Sige na, bye!" Nag-salute pa sa akin si Lisa. Ngumiti lang si Rosie at tinanguan ako.

Napangiti na lang ako at kinawayan sila bago kami tuluyang lumabas ng kwartong 'yon. Napatingin ako kay Jian na sambakol ang mukha. Ano na namang problema nito?

"Hoy!" Untag ko sa kanya.

Nakita ko ang pag-irap niya bago bumaling sa akin. "Ano?"

Tinuro ko ang mukha niya. "Anong ibig sabihin niyan?"

"Wala! Iniisip ko lang kasi kung paano mo nasikmurang magsuot ng ganung klaseng damit? Pagsuot nga lang ng shorts na one inch lang bago makalampas ng tuhod, feeling mo nakahubad ka na! Eh 'yung ganun pa kayang klaseng damit na yuyuko ka lang ng konti, kita na yung pwet mo!"

Wow, grabe talaga ang pag-alburoto ng isang 'to sa damit ko. Ang tagal maka-get over. Hinampas ko siya sa balikat at binatukan.

"Lakas ng loob at kapal ng mukha ang ginamit ko para masuot ang letseng damit na 'yon!"

Inisip ko lang naman kasi na masasanay rin ako. Pero feeling ko talaga nakahubad ako habang suot-suot ang damit na 'yon. Hindi talaga ako sanay na ipakita ang dapat itatago ko. Conservative ako, 'di lang halata.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon