Stalker 21

49 6 0
                                    

HER BESTFRIEND

"Bakit ang bilis ng oras?"

Napatingin ako kay Jian na halos hindi na maiguhit ang mukha. Salubong na salubong talaga ang kilay.

"Bakit ba?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

Umirap siya. "Eh kasi papasok ka na sa letseng trabahong 'yon!"

Natawa ako. Hindi talaga halata na ayaw niya sa trabaho ko, ano? Sinabi ko na nga rin sa mga magulang niya, at gaya ni Jian ay hindi rin sila sang-ayon sa trabaho ko. Baka mabastos daw ako ng mga kustomer.

Bar daw 'yon at maraming masasama ang loob. Alam ko naman na medyo delikado talaga itong trabaho ko. Hindi pa ako kailan man binastos, pero kung may gagawa naman sa akin 'yon ay hindi rin naman ako tatanga lang at hayaan na lang. Magkamatayan na, huwag lang talaga nila akong subukang hawakan!

"Sasama ako sa'yo mamaya."

Napakunot ako ng noo. "Bakit pa?"

"Para bantayan ka. Paano kung mahihipuan ka doon? Notebook ko 'yan!"

Hinablot niya sa akin yung pink na notebook na isisilid ko sana sa bag ko. Isinarado ko yung bag at hinarap siya ng maayos saka inirapan.

"Kaya ko na ang sarili ko, Jian. OA mo!"

Pinandidilatan niya ako at pabatong inilagay ang mga gamit niya sa bag. "Nag-alala lang naman ako sa bestfriend ko! OA ba 'yon? Psh."

Ngumiwi ako. "Sobra ka naman kasi kung mag-alala. Nanay ba kita?"

Ngumiwi rin siya at napaikot ng mata. "Bestfriend mo ako. Yung nanay mo, walang pakialam sa'yo!"

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Nanlaki rin yung mata niya at napatutop sa sariling bibig. Mukhang hindi rin siya nakapaniwala sa sinabi. Napayuko ako.

"B-Babe..I'm so sorry. What I mean is--"

Tumango ako at ngumiti ng tipid. "I know. Saka, totoo naman eh."

Si mama, totoo nga talagang wala na siyang pakialam sa akin. Wala siyang pakialam kahit naglayas ako. Ni hindi man lang niya ako hinanap. No, hindi naman ako naglayas para habulin at magpahanap sa mama ko, pero sana naman 'diba? Hinanap niya ako at sinigurado kung saan ako nagpunta at maayos ba ang kalagayan ko, kung ligtas ba ako. Magpapaliwanag siya at subukang pauwiin ng bahay.

Pero wala eh, wala talaga siyang pakialam. Mas importante ang lalaking 'yon kesa sa anak niya. Ewan ko ba, kung bakit hindi pa ako sanay. Noon pa naman wala na siyang pakialam sa akin. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa pambabalewala niya sa akin. Minsan nga naisip ko kung napipilitan lang ba si mamang ipanganak ako.

"No..no.." Umiling siya at napayuko. Sising-sisi sa sinabi. "Hindi ko dapat sinabi 'yon."

Natawa ako at pabiro siyang sinakal. "Weee..'di bagay sa'yong mag-drama! Basta, huwag ka ng sumama sa akin mamaya. Baka ikaw pa yung mapahamak. Patay ako sa mga magulang mo."

Nag-angat siya ng tingin nang maintindihang iniba ko ang topic. Ngumuso siya.

"Sasama nga ako."

Tiningnan ko siya ng masama. "Wala ka namang gagawin doon."

"Babantayan nga kita!" Pagpupumilit niya.

Inangilan ko siya. "Alas dos pa ang sara namin. Mapupuyat ka."

"Mapupuyat ka rin naman, sasamahan na kita."

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon