"UWAAHH--" Agad kong hinila pabalik si Jian nang akmang hahabulin pa niya ang sasakyan na papaalis.
"Ouch!" Reklamo niya at matalim akong tiningnan.
Tiningnan ko rin siya ng masama. Kanina pa 'tong babaeng 'to. Masyadong abnormal ang reaksyon niya habang nakatitig sa anim na lalaki kanina. Para siyang asong ulol na kulan na lang tutulo ang laway.
Sabagay, nakatulala rin kasi ang ka-gwapuhan ng mga 'yon. No one ugly allowed ba sa barkada nila?
Sumungaw ang ulo ni Chanyeol at kumaway sa amin. Ngumiti ako at kumaway rin pabalik sa kanya pero agad akong napangiwi nang tumili si Jian.
"Oppa! Don't leave me, I'm broken!" Sigaw niya at parang inaabot si Chanyeol at kunwaring mangiyak-ngiyak.
Narinig ko ang tawanan nila Chen sa likuran namin. Nakakahiya talaga ang babaeng 'to.
"Bakit ba kasi umalis sila agad? Hindi pa ako nagsawa sa kakatitig sa ka-gwapuhan nila eh!" Napapadyak pa siya ng paa habang nakatitig sa papalayong sasakyan nila Suho.
Buong hapon yata kami nag-kwentuhan at nagtatawanan sa loob ng condo. Kain rin kami ng kain dahil si D.O ay hindi rin tumigil sa kakaluto ng iba't-ibang pagkain. Tuwang-tuwa nga ako dahil tinuruan niya akong magluto ng pasta. Isa kasi daw 'yon sa paboritong pagkain ni DESTINY KO.
Nakakatuwa talaga silang kasama. Pakiramdam namin ni Jian ay isa rin kami sa mga barkada nila. Saka, ang dami nilang kalokohan! Lalo na si Baekhyun at Chanyeol! ChanBaek for the win! Hahaha..
Punong-puno rin sila ng kahanginan sa katawan! Hehe. Para lang talaga silang magkapatid lahat eh.
"May appointments pa ang mga 'yon." Sagot ni Luhan sa pagmamaktol ng bestfriend ko.
"Hay! Ang gwapo talaga ni Baekhyun, pati na rin ni Suho! Saka ang hot ni Kai! Wait, ang cute pala ni Kyungsoo! Ang gwapo-gwapo rin ni Sehun lalong-lalo na si Chanyeol!"
Ngumiwi ulit ako. Yeah, trip niya si Chanyeol ngayon. Mahilig talaga siya sa mga kapre ano?
"Paano na si Kris hyung?" Natatawang tanong ni Tao sa kanya.
"Ay, ibang usapan na 'yan! Wala pa ring makakalamang sa first crush ko! Kris oppa!" Hagikhik niya at lumapit agad kay Kris saka kumapit sa braso nito. Ang landi ng bestfrien ko sa totoo lang. Wala man lang ka loyal-loyal sa first crush niya. Tsk!
Tiningnan siya ng masama ni Kris at sininghalan. Bahagya siya napaatras at napanguso. Parang ewan talaga ang kaibigan ko. Habang tumatagal mas lalong naging baliw at isip-bata.
"Paano hyung, uwi na rin kami?" Paalam ni Lay kay DESTINY KO.
Tumango lang ito at sinenyasan silang umalis na. Natatawang umiling-iling na lang ang mga kaibigan niya. Ngumiti ako sa kanila at kumaway.
"Bye. Ingat kayo." Usal ko.
"Bye, babe!" Lumapit sa akin si Jian at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan ko rin siya sa pisngi.
"Bye. Pakitikom na ng bibig mo. Baka mainis na ng tuluyan si Kris sa'yo at itatapon ka sa labas ng sasakyan." Bulong ko sa kanya.
She snorted. "Kaya nga ako nag-ingay para patahimikin niya ako sa pamamagitan ng matamis niyang halik." Humagikhik pa siya.
"Ang landi mong babae ka. Asa ka pa!" Bahagya kong kinurot ang tagiliran niya kaya napaigtad siya sa palayo sa akin. Sinimangutan niya ako.
"Ang sakit ah! Nang-aapi ka na!"
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...