"Okay ka na ba?"
Niyakap niya lalo ang unan at nag-angat ng tingin sa akin. "Yeah."
Nandito kami sa loob ng kwarto niya at nadatnan ko siyang nakaupo sa kama at kinukutingting ang cellphone niya. Buti na lang, okay na siya, dahil kung hindi pipilitin ko talaga siyang magpa-confine sa hospital kahit ayaw na ayaw niya 'dun. Hindi niya daw kaya ang amoy ng hospital. Ang daming arte. Psh!
"Aba, dapat lang! Three days ka ng absent. Namumuro ka na! Baka gumawa ka lang ng excuse diyan!"
Ngumiwi siya at inirapan ako. "Grabe siya! Hoy, papasok na ako bukas. Bakit naman ako gagawa ng excuse, eh ayaw ko ngang umabsent?"
Tumawa ako at umakyat sa kama para makaupo sa tabi niya. Dinungaw ko ang cellphone niya at nakita kong naka-log in siya sa instagram. Kahit loka-loka rin minsan ang babaeng 'to ay ayaw niya talagang umabsent kung hindi naman siya magkasakit.
"Psh..kung alam ko lang, sobrang saya mo dahil palagi mong nakakasama ang EXO-M sa tatlong araw na wala ako. Mukhang kaya mo na naman yata na wala ako dahil nandyan naman sila."
Napakunot ako ng noo. "Nagsesenti ka ba?"
Ngumuso siya at iningusan ako. "Heh! Totoo naman 'diba? Hindi ka na kakain mag-isa kapag wala ako dahil nandiyan naman silang mga bagong mong kaibigan!"
*BOINK!*
"Ang drama mo, baliw! Dami mong alam. Tsk!" Kinuha ko ang isang unan at niyakap.
"Ang sama mo, Trish! Kagagaling ko lang sa sakit binatukan mo agad ako! Ayaw mo na talaga sa akin 'no?"
Pinandidilatan ko siya. "Anak ng--ang dami mong arte! Nagkasakit ka lang naging overeacting ka na!"
Sumimangot siya at padabog na kinuha yung unan na yakap ko. I glared at her.
"Alam ko na 'yan, Jian! Huwag kang mag-alala isasama kita at ipakilala sa kanila! Huwag mo na akong dramahan!" Kinuha ko ulit yung unan at hinampas siya sa ulo.
Napairap ako nang makita ko ang lapad ng ngiti niya. I knew it!
"Kailan mo ako ipakilala sa kanila? Hehehe.."
"Bukas."
"Oh my God! Papasok talaga ako bukas! Promise 'yan!"
"Para kang baliw!" Asik ko sa kanya nang makita ko siyang nakangisi na parang asong ulol.
Humalakhak siya at humiga sa kama. "Excited na ako! Gosh.."
Nag-make face ako. Binigay ko sa kanya yung notes ko. Bumangon ulit siya at tiningnan 'yon.
"Nandiyan na lahat yung mga lessons namin nung tatlong araw na wala ka."
Binasa niya 'yon at tumango-tango. "Thank you, babe!"
"Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok bukas?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah..magaling na nga ako. Saka, kailangan ko ng humabol 'no!"
Tumango ako at humiga. Niyakap ko ulit yung unan.
"Siya nga pala, nakakaloka yung ex-boyfriend mo, Jian! Ang kulit!" Naiiritang sumbong ko sa kanya.
Sa loob ng tatlong araw na absent ang kaibigan ko, palagi na lang akong inaabangan ng abnormal na 'yon. Paulit-ulit na hinahanap si Jian sa akin. As if naman makakakuha siya ng matinong sagot mula sa akin. Naalibadbaran na nga ako sa pgmumukha ng damuhong 'yon.

BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...