Kumurap-kurap ako habang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Dahan-dahan akong ngumiti. Medyo hindi na ako namumutla at unti-unti ng bumalik ang kulay ng pisngi ko. May konting kislap na rin ang mga mata ko.
I'm back! It's been three weeks na ang pagmumukmok ko dahil sa pagkamatay ni Papa. Mahirap tanggapin ang pagkawala niya. Sobrang hirap! Ni hindi ko nga naisip na mawawala pala siya sa amin. Ang bilis ng pangyayari.
Sobrang sakit na minsan naisip ko na nga na susunod na lang din ako kay Papa pero naisip ko si Mama eh. Kung pati ako mawawala sa kanya, mag-iisa na lang siya. Pati si Jian, hindi niya ikakatuwa kapag mawala ako, alam ko 'yon. Ayaw ko silang iwan.
Ganito pala ang nararamdaman ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay. Pakiramdam mo, wala na ring kwenta ang buhay mo. Wala kang gana sa lahat ng bagay. Ni ang magsalita ay parang kay hirap. Tinatamad kang kumilos. Parang may malaking kulang ang nawala sa'yo. Hindi ko nga mawaglit sa isip ko si Papa.
Nang makita ko ang pagmumukha ng taong nakabaril kay Papa, parang gusto ko ring makitang nabaril siya, na mamatay siya. Siya ang may kasalanan ng lahat! Siya ang may kasalanan kung bakit ako nawalan ng ama. Kahit sinabi pa niyang hindi niya sinasadya 'yon, kasalanan pa rin niya dahil kung hindi siya nag-aamok at nagpaputok ng baril, edi sana buhay pa ngayon si Papa. Sana kasama ko pa rin siya!
Pero nang dahil sa sinabi ni Lay ay napaisip ako. I hate to admit it..pero may punto siya eh! Siguro nga tama siya. Na nakatadhana na talagang mangyari 'yon kay Papa. Na baka oras na niya talaga 'yon. Gusto ko talagang maghahanap ng masisihan eh! At dapat ko talagang isisi ang lahat sa hayop ng lalaking 'yon! Pero okay na, nakulong na siya. Pagbabayaran niya ang kasalanan niya.
Mahirap bumalik sa nakasanayan mong buhay lalo pa't nawalan ka ng isang parte ng buhay mo, pero kailangan eh. Kailangan kong kakayanin kahit mahirap. Hindi naman ganun kakitid ang utak ko para hindi isipin ang mga taong nag-alala sa akin.
Kaya, kailangan ko na talagang pumasok at bumalik sa sarili ko. Kasi kahit anong gawin kong pagmukmok, hinding-hindi na babalik si Papa. Hindi ko na maibabalik pa ang oras at lalong-lalo na hindi na mabubuhay si Papa kahit patayin din ang taong pumatay sa kanya. So, kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko.
Bumuga ako ng hangin at kinindatan ang sariling repleksyon sa salamin. Pumikit ako at nagdasal sandali.
Thank God for the strength! I love you..
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mama nang makababa ako. Pinasadahan niya ako ng tingin.
"Anong--Ano 'yang suot mo, 'nak?" Di-makapaniwalang tanong niya.
"Uniform tawag dito, 'Ma." Balewala kong sagot.
Hello? Sa tagal-tagal ko ng suot ang damit na 'to, hindi pa talaga niya alam na uniform 'to? Mama naman oh.
Natigagal siya at parang isang himalang nagsasalita ako.
"Pa--papasok ka na?"
Tumango ako at ngumuso. "Yes po..kasi Monday ngayon at kailangan ko na talagang pumasok kung hindi patay ang scholarship ko neto."
"Okay ka na ba?" Nakakunot noong tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ako at umupo na sa mesa para kumain ng almusal. Umupo na rin siya sa tapat ko. Pinasadahan ko ng tingin ang pagkain na nakahain.
"Aakyatin na sana kita mamaya para kumain. Hindi ko naman inakala na magigising ka ng maaga at gugulatin mo ako ng ganito." Umupo na rin siya sa tapat ko.
Sa buong oras ng agahan namin ay naramdaman ko ang madalas na pagsulyap ni mama sa akin. Hindi naman siya umimik kaya hindi na lang rin ako nagsasalita. Nagpaalam naman agad ako sa kanya nang matapos akong kumain.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...