Stalker 20

42 8 0
                                    

HER BESTFRIEND

Natigilan silang apat habang nakatingin sa akin. Gulat sa sinabi ko.

"Naglayas siya?" Di-makapaniwalang tanong ni Lay sa akin.

"Hindi niya matanggap ang nalalaman niya tungkol sa mama niya."

Nagkatinginan sila. Bumuntong-hininga ako. Hindi ko kayang ikwento sa kanila kung ano talaga ang nangyari dahil masyasong personal ito. Yes, they are our friends but I'm not in the right situation to tell them about her personal problem. Siya lang ang may karapatan.

"I hope she's fine." Usal ni Kris.

Tumango-tango ang mga kasama niya.

"Saan siya ngayon titira?" Tanong ni Luhan.

"Sa bahay namin." Sagot ko.

Napatingin ulit ako sa tray na walang laman. Alam kong sinaktan rin siya ng mama niya dahil sa pamumula ng magkabilang pisngi niya kagabi. Nang ikinuwento niya sa amin kung ano talaga ang nangyari ay wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin sa kanya.

Kung ako kasi ang nasa sitwasyon niya, hindi ko kakayanin. Masyadong magulo ang buhay niya. Parang hindi yata siya nawawalan ng problema.

Nung namatay ang papa niya, parang gumuho ang mundo niya. Ngayon naman, yung mama niyang pinagkatiwalaan at tanging sinasandalan niya ay parang nawala na rin sa kanya. Matagal pala siyang niloloko.

Ewan ko, pero ang bigat ng pakiramdam ko. Parang nakikihati ako ngayon sa nararamdaman niya. Siguro, dahil bestfriend ko siya at alam na alam ko kung ano talaga ang nararamdaman niya ngayon.

Tahimik ang mesa nang bumalik siya. Tumingin siya sa akin at ngumisi. Bumuntong-hininga ulit ako. She's really trying na kalimutan muna ang problema niya but I doubt it. Ako nga 'di halos makangiti sa nangyayari sa kanya ngayon.

"Maghahanap ako ng part time job."

Natigilan ako sa pagtiklop ng damit niya at napaangat ng tingin sa kanya. Hindi siya lumingon sa akin at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng mga gamit niya.

"Paano 'yan? Scholar ka 'diba? Baka babagsak ka?" Nag-alalang tanong ko sa kanya.

"Kaya ko naman siguro. Mag-aaral ako sa umaga, magta-trabaho sa gabi. Kailangan ko ng pera ngayon para sa mga pangangailangan ko."

Umiling ako. "Nandito ka naman, we can provide your needs."

Saka lang siya nag-angat ng tingin sa akin. "Hindi ako magtatagal dito. Maghahanap rin ako ng apartment na matitirhan."

Nalaglag ang panga ko. "What? Pwede ka namang tumira dito sa amin."

Umiling-iling rin siya at nagpatuloy sa ginagawa. "Hindi ako pwedeng naka-depende lang sa inyo. Ako 'yong naglayas kaya dapat paninindigan ko ito. Kailangan kong tumayo sa sarili kong paa. Saka, ayokong maging pabigat sa inyo."

"Hindi ka naman pabigat. Kahit sina mommy at daddy ay okay lang sa kanila na dito ka titira."

Napangiti siya. "Alam ko, pero hindi ako pwedeng titira dito. Ayoko. Kilalang-kilala mo ako, hindi ako tatanggap ng tulong kapag kaya naman ng sarili ko."

Marahas ang hininga ko habang nakatitig sa kanya. I really wanted to help her because she's my bestfriend pero alam ko namang hindi ko na siya mapipigilan at hindi na rin magbabago ang desisyon niya.

"Sabado bukas, try kong maghanap ng trabaho at malilipatan."

dO__Ob

"Agad-agad?!" Bulalas ko.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon