Stalker 6

65 7 0
                                    


*BOOOGGSSHHHH!!*

*TUUUGGSSHHHH!!*

*CRRAAAACCKKK!!*

*TSAAAAAKKKKK!!*

"HAYOP KA! ANG KAPAL NG MUKHA MONG UMUWI PA DITO!!"

"BAKIT NAMAN HINDI AKO UUWI DITO?! BAHAY KO RIN 'TO!!"

"WALA AKONG PAKIALAM! LUMAYAS KA DITO!!"

Napangisi ako habang pinasadahan ng tingin ang buong kwarto ko. Salamat naman at natapos ko na rin sa wakas! Aba, tatlong araw ko ding pinaghirapang idikit ang mga mukha niya sa buong kwarto ko. Ni wala kang makitang space, pati kisame punong-puno ng mukha niya.

Oh my God! Bakit ba ang gwapo ng DESTINY KO? Ang swerte ko talaga at siya ang nakatadhana para sa akin. Mwehehehe!

Humiga ako sa kama at tinitigan ang mga picture niya na nakadikit sa kisame. Kung ganito namang mukha ang bubungad sa akin sa tuwing gigising ako tuwing umaga, aba! Excited akong magising araw-araw o baka hindi na lang ako matutulog at titigan na lang ang mukha niya forever!

"OH AYAN! AYAN NA ANG MGA DAMIT MO! LUMAYAS KA NA!"

"ABA, PAMBIHIRANG BUHAY 'TO! AKO ANG BUMILI NG BAHAY NA 'TO TAPOS AKO ANG PALALAYASIN MO?!"

"ANG KAPAL RIN NG MUKHA MO EH NO?! WALA KANG KWENTANG TAO!"

Mabuti na lang talaga at nakakuha ako ng mga stolen shots niya. Yung ibang picture naman ay kinuha ko lang sa isang facebook fanpage niya. Malaki rin ang nagastos ko dahil bumili din ako ng mga bedsheet, unan at mga kumot na may mga mukha niya. Worth it lang din naman ang lahat ng 'to dahil parang katabi ko lang din siyang matulog. Oh 'diba? Hehehe..

"AKO LANG BA ANG WALANG KWENTA DITO?! ALAM MO BANG SAWANG-SAWA NA AKO DIYAN SA BUNGANGA MO?!"

"HA! MAS LALO NAMAN AKO! SAWANG-SAWA NA RIN AKO DIYAN SA MGA KA-GAGUHAN AT KASINUNGALINGAN MO! AYAW KO NG MAKISAMA PA SA ISANG KATULAD MO!"

*TUUGGSSHH!!*

*CRRAACCKK!!*

Bumuntong-hininga ako at inis na bumangon sa kama. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Pagbaba ko sa sala ay agad sumalubong na naman sa akin ang mga basag na flower vase at mga basag rin na mga pinggan at baso. Nakakalat na naman ang mga damit ni papa sa sahig. Sa tuwing mag-aaway sila lagi na lang ganito ang makikita ko. Nakakasawa na talaga!

Napahawak ako ng noo. Gusto kong magmura pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Ano na naman kaya ang pinag-aawayan nila ngayon? Gaano kaliit na bagay na naman?

Nakita ko si mama na may hawak na walis at pinaghahampas si papa na umiilag.

"Ma! Pa! Pwede ba tumigil na kayo?!" Sigaw ko kaya napatingin silang dalawa sa akin at natigil sa paghahampasan nila. "Ano na naman ba 'to?"

"Eh kasi 'tong walang kwenta mong ama! Ilang araw ng 'di umuuwi dito tapos ngayong umuwi na lasing naman!! Tingnan mo, kung gaano talaga ka-walang modo!!" Tinuro-turo pa ni mama si papa.

"Sabing hindi nga ako lasing!"

"Amoy alak ka kaya huwag mo na akong lokohin!"

"Sabing may nag-alok lang sa aking mga kaibigan ko diyan sa kanto kaya pinagbigyan ko lang pero isang shot lang naman!"

"Sinungaling!"

Napatingin ako kay papa. "Saan naman ho kayo galing at ngayon lang kayo nakauwi?" Mahinahong tanong ko sa kanya. "Nag-alala po kami sa inyo."

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon