Stalker 17

70 6 1
                                    

CHEN

BWAHAHAHA! Grabe, ang gwapo ko talaga! Ang magre-react pangit gaya ni Tao.

Alam ko naman guys na itong ka-gwapuhan ko lang ang inaabangan niyo sa storyang ito. Huwag na kayong mahiyang aminin sa akin. Sanay na ako diyan! BWAHAHAHA!

Napatingin ako sa mga babaeng naghagikhikan sa gilid habang dumadaan kami. Wala ng sumisigaw kapag dadaan kami, pero palagi pa rin silang nakatingin sa amin at kikiligin. Sanay na siguro sila sa ka-gwapuhan ko. Sinundan ko ang tiningnan nila.

d>__<b

Hindi sa akin kundi kay Kris hyung. Sus! Walang taste ang mga babaeng 'yan. Mayabang 'yan eh! Sige, aaminin ko, medyo ganun rin ako pero walang-wala 'tong kayabangan ko kumpara kay Kris hyung. Tahi-tahimik lang 'yan pero nag-uumapaw ang bilib sa sarili niyan! Vocal lang talaga ako sa pagiging mayabang ko. BWAHAHAHA!

Pumunta ako sa gilid ni Kris hyung. Binalingan ko ulit yung mga babae. Nakatingin na sila sa akin dahil nahaharangan ko si Kris hyung. Kumaway ako sa kanila at kindindatan sila. Ayun, naghahampasan na lang bigla.

Grabe, iba talaga ang kamandag ng ka-gwapuhan ko! Tsk.

"Papansin.."

*BOINK!*

Binatukan ko nga. Walang-hiya kasi ang gagong panda na 'to. Palagi na lang akong kinokontra. Masyadong inggit sa ka-gwapuhan ko!

"Ano ba hyung!" Asik niya sa akin.

"Magsalita ka pa, sasapakin na kita!"

"Tss.."

Natigil kaming dalawa ni Tao nang tiningnan kami ng masama ni Kris hyung.

"Nasaan nga pala si Trisha, hyung?" Untag ni Luhan hyung kay Umin hyung.

Papunta na kasi kami ngayon sa parking lot. Kakatapos lang nilang mag-practice ng soccer. At may laro na nga sila sa susunod na araw kalaban ang kabilang school na tumalo sa kanila nung nakaraang dalawang taon.

"Oo nga no? Himala yata at hindi nakasunod kay Umin hyung ngayon?" Segunda ni Lay.

"Ewan ko, hanapan ba ako ng nawawalang baliw at weirdong babae?" Balewang sagot niya.

Kita mo 'tong si Umin hyung, wala talagang pakialam sa mga taong nagmamahal sa kanya!

"Baka unuwi na?" Sabi din ng gagong Tao.

Umuwi? Imposible 'yon! Hindi 'yon uuwi hanggat hindi mawawala sa paningin niya si Umin hyung. Saka, nanunuod pa 'yon ng practice kanina eh. Halos maputol na nga 'yong litid 'nun sa kakasigaw sa pangalan ni Umin hyung. Akala mo 'yong pinanuod niya ay totoong laban na, eh practice pa lang naman. Kung maka-goal si Umin hyung, ang taas ng talon. BWAHAHAHA! Nakakatawa talaga ang ang babaeng 'yon. One week na rin pala mula nung bumalik siya.

"Imposibleng umuwi ang dalawang 'yon nang hindi nagpapaalam sa atin." Ani Luhan.

Napatango ako sa sinabi niya. Lumingon-lingon ako sa paligid. Saan kaya nagpunta ang dalawang 'yon? Bigla na lang talaga silang nawala pagkatapos ng practice.

*BOGSH!*

"Araayy!" Sigaw ko.

Anak ng gwapong katulad ko! Ang sakit ng noo ko! Sino naman 'tong bumangga sa ka-gwapuhan ko?

Napatingin ako sa babaeng napasalampak sa sahig. Napatayo naman agad siya at pinagpagan ang damit bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Oh?!" Sabay naming bulalas at napaturo sa isa't-isa.

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon