Stalker 25

79 7 0
                                    

Nakangisi ako habang inilibot ang paningin sa loob ng condo niya. Ilang beses na akoong nakatungtong dito. At sa pagkakataon na 'to ay dito na talaga ako titira. Ang saya lang 'diba? Ako na yata ang pinaka-maswerteng babae sa buong universe! Chos.

"Bibisitahin din kita roon. Huwag mo akong masyadong ma-miss, babe."

Napatingin ako kay Jian na tinulungan akong mag-impake sa mga damit ko.

"Pwede rin namang hindi. Huwag ka ng mag-abala. Ako na lang bibisita dito." Sagot ko habang ipinapasok ang mga damit ko sa maleta.

Tumayo siya at nameywang. "Ayun..ayaw mo lang yata eh. Titira ka lang sa condo ng destiny mo, kakalimutan mo na ang nag-iisa at magandang bestfriend mo."

Inirapan ko lang siya. "Dami mong alam."

Bumuntong-hininga siya at umupo ulit sa kama. "Pero seryoso babe, kapag sinaktan ka ng lalaking 'yon, sabihin mo agad sa akin ha?"

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Feeling mo talaga sasaktan niya ako?"

Tumango naman siya. "Posible."

Natawa naman ako at inirapan siya ulit. "Grabe ka! Kahit muka yung walang pakialam, hindi naman 'yon nanakit ng tao lalo na sa babae. Eh ayaw nga 'nung makakita ng babaeng sinasaktan."

Umiling-iling naman siya. "Saktan ka physically, hindi niya talaga magagawa. Pero emotionally?" Ngumiwi siya. "I highly doubt it."

Ngumuso ako. "Ano bang emotionally pinagsasabi mo diyan? Sanay na ako sa mga pinagsasabi niya sa akin. Sanay na ako sa mga pang-iinsulto niya. Hindi na ako matitinag  pa kung ano man 'yong masasakit na salita na lalagpas sa bibig niya. Sanayan lang 'yan."

"I don't think so."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Tulungan mo nga lang ako dito. Kung anu-ano na lang ang mga pinagsasabi mo diyan."

Ayokong seryosohin ang sinasabi niya. Aminado naman akong nasasaktan rin ako kapaga iniinsulto ako ni DESTINY KO. Siyempre, tao rin naman ako 'no at hindi ako manhid. Kaya lang, kailangan ko talagang sanayin ang sarili ko.

Ako ang nangugulit sa kanya kahit alam kong naiinis na siya sa akin. Kaya dapat lang na tanggapin ko ang mga inis at bugnot niya sa akin. Lalo na ngayon na titira na ako sa condo niya at lagi na kaming magkasama. Lalong-lalo na amo ko siya.

"Sumunod ka sa akin." Untag ni DESTINY KO.

Napatingin ako sa kanya. Nauna siyang naglakad kaya sumunod naman agad ako sa kanya. Yumuko ako at natingnan yung sahig.

Hmm? Kahit lang ba ang magwalis ay hindi niya alam? Ang dumi na kasi eh. Puti yung tiles kaya kitang-kita yung mga dumi at alikabok. Akala ko pa naman malinis ang taong 'to. Sa pananamit at sarili lang pala malinis at maayos.

Well, ano pa bang ini-expect ko? Lalaki siya at wala siyang kaalam-alam sa paglilinis ng bahay. Kaya nga kumuha ng katulong 'diba?

"Aray!" Nauntog bigla ako sa likuran niya nang bigla siyang huminto.

"Ito ang magiging kwarto mo." Lumingon siya sa akin.

Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto na sinasabi niya.

Ngumiti ako at tumango. "Salamat." Napatingin ako sa katabing kwarto. "Teka, kwarto mo 'yan 'diba?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Tatlo lang kwarto dito. Para sa guest room yung isa. Hindi ka naman guest kaya bawal ka doon."

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon