HER DESTINY
"Good evening maam, sir. Happy birthday po pala, Sir." Pasimple niyang inipit ang buhok sa tenga at kiming ngumiti. Pero agad napawi 'yon at napakamot ng noo saka umiling. "Hindi. Masyado namang pabebe 'yon. Nakakasuka!"
I pursed my lips at itinuon ulit ang atensyon sa daan. Papunta na kami sa bahay at ewan ko sa babaeng ito. Inaatake na naman ng kabaliwan. She's even practicing how to greet my parents.
"Good evening future mother-in-law and future father-in-law! How are you po? Ako nga pala ang future daughter-in-law niyo! Nice meeting you po! Happy birthday, future father in-law!"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw niya. Sinulyapan ko siya at nakangiwing binatukan ang sarili.
"Feeling close ka masyado, Trish! Baka masapak ka ni future mother-in-law! Huhu.."
Bumuntong-hininga ako. "Stop it. You're just exaggerating."
Lumingon siya sa akin at inirapan ako. "You're not helping. Kinakabahan na nga ako dito."
"Ano ba kasing ikinatatakot mo? They're just my parents."
Tiningnan niya ako ng masama. "Oo nga, parents mo lang 'yon. Hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko eh. I'm going to meet my future in laws! Nakakaba kaya 'yon!"
"You're really crazy." Napailing ako. Ano ba kasing iniisip niya? Mamanhikan kami? Psh.
Umungol siya at napapadyak ng paa. "Ayoko na, DESTINY KO. Ibaba mo na lang ako dito, babalik ako sa condo."
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. "What? Are you serious?"
Ngumuso siya. "Sabihin mo na lang na nagka-LBM ako. Saka, hindi naman talaga importante ang presence ko doon 'diba?"
I smirked. Who said so? Mom used this chance para madala kita sa bahay namin. She already told dad about you, that's why he wanted to meet you too.
"I thought you're brave enough?" Tanong ko sa kanya.
"Walang matigas na tinapay sa mainit na kape." Sagot niya.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. I don't understand. Was that a quote?
"Alam mo 'yon? Ako 'yong tinapay, mommy mo ang mainit na kape. Masyado siyang mainit sa akin eh. Masyado akong mainit sa mata niya. Kulang na lang tunawin ako."
I smirked. So, she really thought that mom hates her? Good job mom, you just gave her an impression you want.
"Ang lakas ng loob mong ligawan ako pero takot ka namang humarap sa mga magulang ko. Hindi ba 'yong parents naman ang unang liligawan bago ang anak nila?" Ngumisi ako at sinulyapan siya. Laglag ang pangang napatitig siya sa akin.
"Grabe, feeling mo naman talaga na nililigawan kita? Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na ikaw 'yong manligaw dahil ikaw 'yong lalaki?"
"Okay, so can I?"
"Huh?" Kumunot ang noo niya.
"Can I court you?" Sinulyapan ko ulit siya.
Kumurap-kurap siya. Ilang segundong katahimikan ang bumayani sa amin. Nagulat ako nang itinaas niya 'yong kamay niya at itanapat sa mukha ko ang palad niya.
"Tumahimik ka na lang, DESTINY KO. Hindi ka nakakatulong sa pagwala ng kaba ko. Puro ka kalokohan." Usal niya at nakangusong may ibinulong-bulong.
Kumunot ang noo ko. She didn't take it seriously. Ganun? Kapag ako bumanat hindi niya sineseryoso, pero kapag siya ang bumanat sineseryoso ko. Where's the justice on that? Paasa rin ang babaeng ito.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...