HER BESTFRIEND
Nalaglag ang panga ko habang nakatitig sa dalawa naming kaharap ngayon. At mukhang hindi lang ako ang hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Pati na rin 'tong mga kasama ko ay gulat na gulat at nagtatakang nakatitig sa kanilang dalawa.
Daebak! Anong nangyari? Magugunaw na ba ang mundo?
"Bakit? Ano bang meron sa siopao at paborito mo?" Tanong ni Trish sa katabi niya.
"Masarap." Simpleng sagot nito.
"Anong meron sa sipao na wala ako?"
"Why did you compare yourself to it, masarap ka ba?"
"Psh. Seryoso kasi! Kasi gustong-gusto mo ng siopao ta's ayaw mo sa akin."
"You're a human and it's a food."
"Just answer my question! Okay, so ganito na lang..anong meron sa siopao at sarap na sarap ka diyan? To think, na pwedeng 'yan lang ang kakainin mula umaga hanggang gabi."
Sinulyapan siya saglit ni Umin oppa at ngumisi. "Egg."
Naningkit ang mata ng bestfriend ko. "Mahilig ka sa itlog pero allergic ka sa manok? Anong klaseng ka-ignorantehan naman 'yan, DESTINY KO?"
Tumawa lang ito saglit at nagkibit-balikat na mas lalong ikinagugulat ko. Kim Minseok laughed! And it was because of my bestfriend! Oh my goodness!
"Saan ba galing ang manok, 'diba sa itlog? Weird nito." Nakangusong usal ng bestfriend ko.
"Tsh. Nagsalita ang hindi weirdo."
"Pero may itlog ako!" Bulalas niya bigla.
Tiningnan siya ng masama ni Umin oppa. "What?"
"Totoo! Kami talagang mga babae ang may itlog. May egg cells kami eh. Yung sa inyong mga lalaki, sperm cells lang! Uhh..may eggs rin naman kayo. Dalawa pa ng--"
"Yah!" Saway ni Umin oppa sa kanya. Ngumuso naman siya.
Kung sa ibang sitwasyon ay humagalpak na ako ng tawa dahil sa pinag-uusapan nila. Pero hindi ko magawa ngayon dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagkagulat at pagkalito. I know, sinabi na ng bestfriend ko na medyo close na daw sila ng destiny niya. Pero hindi ko naman inakala na ganito na pala kalaki ang improvement nilang dalawa.
"Totoo naman sinabi ko 'diba?" Inosenting tanong ni Trish. Mas lalo tuloy tumalim ang tingin nito sa kanya.
"Tsh. Kung anu-ano na lang pinagsasabi mo."
Ngumisi naman siya. "Pero, seriously DESTINY KO. May allergic rin ako sa itlog."
Napatigil sa pag-inom ng tubig si Umin oppa at nilingon siya. "Pinagloloko mo ba ako?"
"Totoo nga!" Namilog ang mata ni Trish.
"May itlog 'yang kinain mong halos araw-araw. Bakit wala namang mangyayari sa'yo?" Tukoy nito sa siopao na nasa harapan nila ngayon.
"Eh kasi nga nasa siopao na siya. Ang ibig kong sabihin, kapag nakakain ako na puro itlog lang, allergic ako 'dun. Gaya ng sunny side up, scrambled egg at nilagang itlog."
I smirked. Totoo naman kasi. Allergic sa puro itlog ang bestfriend ko. Wirdong babae talaga.
"Then you called me a weird?"
"Edi pareha tayong weird! O 'diba kahit sa anong bagay may similarities tayo? It means, nakatadhana talaga tayo para sa isa't isa!" Humagikhik ang bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
His Crazy Stupid Stalker
FanfictionYoon Iby Trisha-- She's crazy. She's stupid. She's super annoying. And a crazy stupid stalker of HIM. Stalking him? Excuse me, of course not! I'm just...erm..I'm just interested to him! Nagkataon lang talagang siya yung hinabol ko nung gabing nala...