Stalker 55

32 4 0
                                    

HER BESTFRIEND

"Sabi ko naman sa inyo 'diba? Mali yung plano niyo. Tingnan niyo kung anong nangyari. She's mad at us."

Bumuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin sa kaibigan kong nasa kabilang mesa na naman at nag-iisa. Walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya. Pangatlong araw  ng ganito kami. Hindi niya ako kinakausap at ni hindi man lang sinulyapan kahit magkatabi lang kami. Actually, wala talaga siyang kinakausap na kahit sino. Tatlong araw ng wala kang maririnig na boses mula sa kanya. I understand her. She's hurting right now and that's because of me.

Napayuko ako at inuntog ang noo sa mesa. Tatlong gabi na rin akong umiiyak dahil sinisi ko ang katangahan ko. Anong karapatan kong tawagin siyang bestfriend kung sinasaktan ko siya ng ganito? Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa. Yeah, we had fights before pero hindi naman ganito kalala. Na hindi ko man lang naisip ang nararamdaman niya. I am a worthless bestfriend!

Gustong-gusto ko na siyang lapitan at paulit-ulit na humingi ng tawad pero alam kong kapag ganyan siya ay hindi niya pa kayang makinig ng kahit anong eksplanasyon. She will only treat you like nobody. Kailangan ko lang maghintay ng tamang panahon para kausapin siya.

"I'm sorry. This is all my fault. I was the one who told you about that f-cking plan."

Nilingon ko si Umin oppa at malungkot na nginitian. "Hindi lang ikaw ang may kasalanan. May kasalanan rin ako. She's my bestfriend, dapat iniisip ko muna kung anong maging epekto 'nun sa kanya."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ibinalik ang paningin sa sinusundan naming bus kung saan nakasakay si Trish. Ito ang lagi naming ginagawa ni Umin oppa. Ihahatid namin siya nang hindi niya alam.

"Kailan kaya siya magiging okay?" Wala sa sariling tanong nito. Napailing ako.

"She will never be okay until we don't explain to her."

"Then, I'll explain to her. I'll tell her the truth! Dammit." He frustratedly messed his hair. Bumuntong-hininga ako.

"She's not ready yet."

"How did you know? Paano kung naghihintay lang din naman siya sa mga paliwanag natin pero hindi naman natin siya kinakausap?"

Tiningnan ko siya ng masama. "I know my bestfriend. Kapag wala 'yang pakialam sa mundo, wala rin 'yang pakialam sa mga pinagagawa at pinagsasabi mo. She won't listen to you. Not now."

"Then, how the hell will I know that she's ready?"

"Siguro siya yung mismo lalapit sa atin at tatanungin ka ng maraming bakit." I smiled.

"Really?" Sarkastiko niyang usal. "Gayung ganyan kalaki ang galit niya sa atin? Kailan kaya 'yan mangyayari?"

Napakagat ako ng labi at umiling-iling. "Hindi ko alam."

"Tayo ang may malaking kasalanan sa kanya kaya tayo ang lalapit sa kanya. We won't wait that she will be the one who will come to us. May pride rin yung mga taong mababait."

"But she won't listen to you right now!"

Umigting ang kanyang panga. "I don't care. I'll never stop saying sorry to her until she'll talk to me and hear my explanations. Hindi lang siya ang taong marunong mangulit."

Napatitig ako sa kanya. Nang makuha kung anong ibig niyang sabihin ay napangiti ako. He's right. Kami ang may malaking kasalanan sa kanya, kaya kami ang lalapit. We won't stop until she will forgive us. I tapped his shoulder.

"I'm thankful na hindi pala talaga nagkakamali ang bestfriend ko sa taong minahal niya. And thanks for loving her too."

He smirked. "Walang hindi mahuhulog sa kakulitan at kakapalan ng mukha niya."

His Crazy Stupid StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon