May ex ako actually magiisang taon narin kaming hiwalay. Bakit? Kasi masyadong komplikado. Eto ang masaklap don kasi kapitbahay ko siya. Hahaha as in kalapit ng bahay bes! Madalas kong naririnig na nagpapatugtog ng mga senti songs ewan ko ba don kala mo may lamay palagi. Kaya ang ginagawa ko iniinis ko, Sinasabayan ko ng mga pamparty songs like "Work" "Twerk it like Miley" Madalas kasi siya maasar pag kinokontra siya haha one time magtatapon ako ng basura ng makita ko siyang pabalik galing tindahan. Tinawag niya ko na kinagulat ko.
Ex: Hoy! May bibigay ako saglit (sbay takbo pabalik sa kanila)
A: Huh? (tas nagantay ako ng ilang minuto)
Ex: (may inabot na box na medyo malaki) Oh, pag uwi mo na buksan.
A: (nagaalangan) Okay thanks.Edi yon pabebe akong naglakad pabalik samin dahil ayokong isipin niya na naeexcite ako buksan! (kahit totoo naman) Haha eto na nga nung bubuksan ko ang daming balot then tinanggal ko ulit tas may balot ulit edi ako naaasar na kasi mga 5 balot na ata yung ginagawa ko tas hanggang sa naka sampu ako then lastly eto na! Pagkatingin ko hype na yan. Candy laman. Isang piraso k*gago. Monami tatak. Paasa amp*ta.
Then sumilip ako sa bintana may binato siya sa gate namin. Pagkakita ko papel nakalagay. "Nag aasume ka no? (with dila emoticon pa)"Haha di ko makakalimutan tong pangyayaring to kasi dahil diyan sa pangtitrip niya ikakasal na kami ngayong buwan. (Kung paano? Masyadong mahaba para idetalye) Gulat kayo no? Ako rin eh haha naisipan ko lang i-share habang katabi ko siya ngayon nagbabasa dito sa Ral. Avid reader kasi kami rito laughtrip talaga mga jokes! Kaya kayo minsan idaan niyo sa pangt-trip gaya ng ginawa netong tukmol kong soon to be husband pero tyaka na pala pag tapos na kayo sa pag-aaral. :p
Gelique
Rizal
![](https://img.wattpad.com/cover/95722651-288-k835677.jpg)