So ayun nga monthsary namin nun ng boyfriend ko binigyan niya ako ng 3 roses tska paper bag kasi andun yung gift niya so syempre kinilig ang lola niyo kaya dahil sa kinikilig ako niyaya ko siyang kumain ng barbeque pero syempre libre niya mwehehe. Ayun nga nakarating na kami dun sa binibilhan namin ng barbeque.NV:
Bf: Babe kuha kana dyan ng gusto mo *sabay turo dun sa mga isaw tapos barbeque*
Ako: Okay babe etong isaw nalang sa magkano ba ang kukunin ko?
Bf: Kahit ilan.
Ako: Okaaay 😁😁😁
Syempre tuwang tuwa ako kasi favorite ko talaga ang street foods lalo na isaw so ayun kumuha ako ng 10 pieces ng isaw tpos pinaihaw ko na kay ateng
Bf: Yan lang ba babe kukunin mo? Ayaw mo ng laman?
Ako: Easy babe mamaya kukuha pa ako tska ayoko ng laman gusto ko isaw mura na masarap pa😊
*Fast forward* tapos na ngang ihawin ni ate yung isaw kinuha ko na siya tapos sinawsaw sa sukang maanghang na maraming sibuyas. Tapos ayun naubos ko yung isaw, nauhaw ako kaya uminom ako ng tubig . Habang umiinom ako ng tubig narinig ko si ateng na tinatanong yung boyfriend ko.
Ateng: Girlfriend mo?
Bf: Opo bakit?
Ateng: Wala ang cute kasi.Ako naman nanlaki yung tenga kasi pinuri ako hahaha pero nahiya ako kaya tumalikod na ako hahah
Bf: Kaya lang koreanang tutong yan ate tignan mo *sabay tawa ng malakas*
Asgdkfhhdk!!!! Parang gusto kong batukan yung boyfriend ko tae lang pasalamat ka dyan pinakilig mo ako sa regalo mo kung hindi tignan mo hahaha joke lang. Dahil sa pang aasar saken ng boyfriend ko ayun inubos ko yung 100 pesos niya ng isaw hmp 😣
Ateng Na Mahilig Sa Isaw