"Unexpected Call"

827 7 0
                                    


Nag uusap-usap kami ng mga magkaklase tungkol sa wattpad story na Possessive 13 ni Evren Yilmaz. So yun, tili kami ng tili dahil sa kilig. Pinag-uusapan kung gaano siya ka hot sa imagination namin pati yung mga kilig pick up lines niya. Hanggang sa napunta kami sa crush ko, ako si tanga kinuwento ko paano ako naging baliw sa kanya nung freshmen pa ako. So yun tili naman si gaga at kinikilig, hanggang sa naisipan na namin manahimik. Dahil ang cellphone ko naka patong lang sa arm chair ko, dinampot ko tapos pina-on syempre, naka low brightness pa yun at that time kaya inadjust ko sa pinaka mataas na brightness. Pagkakita ko, laaaangya!!! 25 minutes nang naka ongoing call si mama! Kalain mong dada ako ng dada at narinig niya lahat!

Ako: Hello Ma! Hala mama, sorry na sagot ko pala di ko nakita.
Siya: Sino si Eric ha?! Umuwi ka dito ka mag lunch may ulam.

Tapos inend na ang call habang ako maluha-luha dahil patay ako nito, na akala ni mama lumalandi lang akoooo.

Simula noon di ko na talaga iniiwan naka silent mode cp ko at ang brightness to the max na talaga, para makita ko kung sino mang tatawag.

Lesson: Wag kasi puro dada, lang yan tuloy na ka karma.

MadadangPandak
2017

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon