"Da Napkin Tragedy" (SPG)

802 14 0
                                    


Matagal na po ito nangyari, panahon pa noong inosente pa ang ateng niyo. Lima po kaming magkakapatid at nag-iisang babaeng anak po ang dyosa niyo kaya hindi po ako girly dat tym, medyo boyish po ang lola niyo

Fastforward, 1st yr HS po ako ng una pong naging ganap na dalaga ang lola niyo. Eh perstym ko po non magka-redtide at wala sa bahay yung mama ko pumasok na sa trabaho. Nahihiya naman akong sabihin sa mga kapatid kong lalake na ganap na ang aking pagkababae at nag-evolve na ang kanilang kapatid kaya sinarili ko nalang. Bumuli ako ng pangtapal sa tumutulo kong perlas, kahit di ko alam gamitin yun nilagay ko sa panty ko at pumasok na sa school. Tapos nong hapon na umuwi ako kasi parang di maganda yung pakiramdam ko. Di ko na tinapos yung isang subject ko umuwi na ako. Eh walking distance lang naman bahay namin sa school kaya naglakad nalang ako.

At dito na nangyari ang karumaldumal na trahedya. Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ilang na ilang na ako sa nilagay kong napkin kasi nga po perstymer hahaha! Paran nararamdaman ko na yung napkin ko ay parang lumilihis sa panty ko. Sheeeets mga ateng! Ng biglang... CHHHOOOOOOK! Nahulog yung napkin ko sa daan habang naglalakad ako! Muntik pa maluwa mata ko ng makita ko na nahulog napkin ko mygoosshh!

Dali-dali ko yung pinulot wala na akong pakialam kung puno na siya ng ketchup na galing sa perlas ko. Basta pinulot ko siya ng mabilisan, mabilis pa kay flash tas pinasok ko sa bag kahit nakaka EEW! Oo wala na akong pakialam nun tas lingon-lingon ako kung may nakakita buti nalang ako lang yung tao sa daan kaya nagmadali akong umuwi. Tas kinuha ko sa bag agad yung napkin at tinapon sa basurahan namin. Syempre binalot ko muna tas tapon tas nakita ako ni mudra na pinagpapawisan tas tinanong niya ako kung anong nangyari, kaya sinabi ko lahat sa kanya. Natawa siya ng konti tas tinanong ako kung bakit nahulog, eh dumidikit naman daw yun kasi sticky yung ilalim ng napkin. Tas sabi ko, "Eh hindi naman sticky yung nabili ko". Tas tinanong niya ako kung tinanggal ko yung papel sa ilalim sabi ko "Tinatanggal pa ba yun? Akala ko ilalagay mo lang yun agad-agad sa panty eh." Napatawa mudra ko haha tas sabi niya,  "Lika nga dito, nako dalaga na ang feeling boy ko hahaha".

Mga besssss di ko talaga to makakalimutan hahahahaahha! Ang napkin pala eh parang siopao na tinatanggalan ng papel sa ilalim. Ngayon natuto na ang lola niyo HAHAHA!

PS. Binasa mo agad kasi may SPG hahahaha!

Maqnum.o5
Xoxo

Best Commets:

curious lang ako baket puro usapang napkin lagi napopost ? di tuloy masyadong maka relate ung mga boys, susubukan ko nga din maglagay ng napkin sa brief ko tutal umiihi nmn ako sa salawal para may ma confess n din ako about sa napkin

"Panahon pa noong inosente pa ang ateng niyo. Lima po kaming magkakapatid at nag-iisang babaeng anak po ang dyosa niyo kaya hindi po ako girly dat tym, medyo boyish po ang lola niyo" Yung totoo sender ano ka namin? Ate, Dyosa o Lola? Kakalito eh.

naalala ko yung camping namin na may swimming lesson lahat kami nasa pool ng biglang may lumutang na napkin. Wahahaha Ahon lahat bes!  P.S lalaki yung kumuha nung napkin

Girl: kuya tulungan mo po ako. Boy: bakit? Girl: nawawala po kasi ang tatay ko, galing kami ng probinsya. Boy: sige, pero sama ka muna sakin. (sumama si girl sa motel) Boy: hubarin mo short ko. Girl: opo. ( hinubad ang short ni boy ) Boy: hawakan mo etits ko, tapos ilapit mo yung bibig mo. Girl: ganito po? Boy: oo, alam mo na gagawin mo. Girl: opo! Boy: ok, gawin mo na. Girl: "Nanawagan po ako sa tatay ko. Kung nasaan ka man tay umuwi kana, sige na tay!"

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon