"Hustisya"

743 5 0
                                    


Mga babes gusto ko lang ikwento yung kahindik-hindik na pangyayaring naka engkwentro ko. Nawa'y inyong magustuhan at kapulutan ng aral hahahaha.

So eto na, kasama ako sa malaking barkadahan konting babae the rest lalaki na lahat. Meron kaming karenderyang kinakainan sa likod ng iskol, bukod sa mura na maayos payung place. Pagdating namin don pumipili na ako ng ulam pero nakaagaw ng pansin ko e yung dinuguan, Mala sizzling yung usok mga sebbbb! Hahaha. Dalawa kaming umorder ng dinuguan nung isa kong tropa. Maya-maya dumating na yung fuds, nilantakan ko kaagad, hehe isa din kasi ako sa mala halimaw kung kumain kahit talagang babae ako. Hahaha btw mga vesss unang tikim masarap siya ha?! Edi nilantakan ko na si krass este yung dinuguan. Tas nung halos mauubos ko na yung pagkain eto nayung kahindik-hindik na mga kaganapan. Hindi niyo makakayanan ang mga susunod na pangyayari. (Wag niyo nalang pong ituloy kung mahina ang loob niyo.)

MAY LUMITAW NA PAA SA SABAW NG DINUGUAN MGA KAPATID! OO PAA. HINDI PO KAYO NAGKAKAMALI NG BASA. AT NANG HALUKAYIN KO ANG ILALIM, ISANG PATAY NA KATAWAN ANG TUMAMBAD SA PANINGIN KO. HALOS HINDI NA MAKILALA ANG ITSURA NITO. AT HALOS PANAWAN AKO NG ULIRAT NG ORAS NA IYON, NAMUTLA, HINDI NAKAPAGSALITA AT HALOS HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO. NAKAKIKILABOT. NAGTAYUAN NA ANG MGA KASAMA KO, HALOS TAPOS NA SILANG KUMAIN.  DALI-DALI AKONG TUMINGIN SA PALIGID KUNG MAY NAKATINGIN SAKIN, AT NANG WALA NI ISA ANG NAKASUBAYBAY SA AKING GALAW. INILIPAT KO ANG ISANG BUONG KATAWAN SA PINAGLAGYAN NG DINUGUAN NG TROPA KO. SABAY SIGAW NG "T*NGINA BESSS, MAY BUTIKI SA DINUGUAN MO!" HAHAHAHAHAHA.
Halos sumuka ng rainbow yung mga naghati-hati ng dinuguan nung araw na yon hahahahaha. Tapos kaming mga hindi nakakain "kuno" ng may butiki, tawa ng tawa pero sa kaloob-looban ko p*tangina talaga! Iinom ako ng sukang may alcohol mamaya pag uwi ko. Kaderder wag tayo magpapasilaw sa itsura dapat halukayin muna bago kainin.
Shoutout sa mga tropa kong mukhang kawatan. Mananatiling sikreto ang mga kagaguhan natin pwera lang sa RAL. HAHAHA.

Ps. Hindi padin po nakiki-claim yung bangkay ng butiki hanggang ngayon. Message nalang po ako incase na sya po yung nawawala nyong kamag anak.

Tropanyongkupal
Unknown

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon