"Grade Ba Kamo?"

859 13 0
                                    


Shoutout sa mga estudyante kong ganito, "Sir bat ganito grade ko sayo?! Ambaba! Nag-effort naman ako ah? Ba't mababa parin?!"

Aba'y ewan ko sa nagc-ocompute ng grade mong si Kuyang Excel. Taga lagay lang ako ng mga scores niyong mas mababa pa sa Bangs ni Dora. Nag-eeffort ka kamo? Kanino?! Sa subject ko o sa katabi mo na kinalalandian mo pag ako nagtuturo?! Galing-galing mo sa pagsusulat ng love letter sa Jowa mo pero yung simpleng essay question ko blangko sagot mo. Andami mong ka ek-ekan sa FB pero pag tinawag kita sa recitation, ano? NGANGA! Nakakaya mong pagpuyatan yang jowa mo eh kamusta naman ang mga assignment mo?! Ang porma mong pumapasok pero anyari sa project mo na parang ginawa ng Kinder?! Naku! Wag mo akong inaano baka anuhin ka ng class record ko. Buti nga nakapasa ka! Pero kung nakukulangan ka sa grade mo, kunin mo yung iba sa jowa mo total dun ka naman nag-eeffort baka gagraduate ka pang Valedictorian! Mag-aral ng mabuti hindi yung sa madami ka nagpapalandi.
Hindi ako galit, pinapaliwanag ko lang.

Sir Kit
AralingPanlipunan

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon