Share ko lang tong katangahang na experience ko nung bata pako.
Naliligo ako nung time na pinairal ko katangahan ko, naghahanap kung ano ano sa cr, inaamoy ko lahat ng mga nasa bote , nabanguhan ako dun sa may puting lalagyan tas nakita ko na katabi niya yung facewash ni kuya so inisip ko para sa mukha din yun. Kada naliligo ginagamit kong panghilamos yung nasa puting bote ambango eh tas refreshing talaga sa mukha. May gabi na naghihilamos ako ng mukha sa lababo habang naglilinis ng kusina si mama, bigla siyang napapigil ng tawa nung nakita niya yung ginagamit ko.
Verbatim
Mama: NAK!!? YAN GINAGAMIT MONG PANGHILAMOS?!!
A: ah ito? Oo, sayo to ma diba?
Mama: GUNG-GONG!!! PARA SA P*KPEK YAN!! KAYA PALA ANDALING MAUBOS BATA KAA!!
A: what the f*ck😱😱
Mama: *pinipigilan ang tawa*
I learned my lesson na, babasahin ko na mga makikita kong bagay bagay sa cr pwee, kaya pala lumalamig mukha ko tuwing nagbabanlaw pang femfem pala yuuun. Kwinento pa talaga ni mama sa buong pamilya nahiya na tuloy ako sinasabihan ako ni kuya baka i shampoo ko daw yung Ph Care p*cha!
Ps. May sarili nakong facewash.
Pps. HAHA twintiri ngayon lam na.
Bobloks
Others
