"Tinextmate ko si Bes"

844 7 0
                                        


Nasa plaza kami nun ng kaibigan ko tumatambay lang. Nakasanayan na kasi naming pumunta sa plaza kapag uwian na namin sa hapon. Naka-upo kami sa bermuda grass habang busy si bes kaka-selpon. Then ako naman walang magawa so naka isip ako ng kabaliwan dahil nag change number ako nun, tinextmate ko si bes haha.

NV
A: Hi cute.
S: Sino to?
A: Ay si Clark Cruz to, diba ikaw si Anne? (di totoong pangalan). Yung chinitang cute hehe. *pinipigilan ko yung tawa ko habang nagta-type baka makahalata si bes haha*
S: *kinilig si gaga* Luh. Cute ba? hehe ay Clark? Diba pinsan mo si *name ko*?
A: Ay oo hehe, friend kayo? *nag panggap nga akong si Clark Cruz (di totoong pangalan) na pinsan ko, para kiligin si bes. Crush ng campus kasi yun kaya kinilig ang gaga haha)
S: Oo eh hehe
A: San ka ngayon? Meet tayo. Nandito ako sa may swing sa plaza.
S. Ha? Andito din ako sa plaza. Hehe sige wait ka lang jan ah *wink emoticon*

Pagkatapos niyang isend yun, nag antay muna siya ng 2mins tas tingin-tingin sa paligid then kinausap niya ako.

NV
S: Bes! Ang boring dito. Punta tayo sa may swing. (Wow ha galing mong umarte pero mas magaling ako sayo haha)
A: *pa blind-blind lang para maganda yung eksena* Huh? Ano ba yan! Sige na nga.

Pagdating namin dun tingin-tingin agad si bes sa paligid halatang may hinahanap haha then kinuha niya cp at tinext si Clark.

NV
S: Asan ka ba? Andito na ako sa may swing.
A: *natatawa ako habang tinatype to* Naku! Pumunta ako dito sa internet cafe antagal mo kasi. Punta ka dito. Please nahihiya ako.
S: Sige maghintay ka dyan ah wag kang umalis papunta na ako.

At dahil nga wala si Clark dun sa swing so may sinabi na naman siya.

NV.
S: Bes! Punta tayong internet cafe may ire-research nga pala ako *w/ matching kapanipaniwala face*
A: Ano!? Malayo kaya yun, duh! Tara.

Wooo excited ako makarating sa internet cafe haha! Nag isip-isip talaga ako kung ano ang isusunod kong dahilan. So pagdating namin sa internet cafe madaming tao hinanap niya kaagad si Clark pero wala naman siyang nakitang Clark dun kaya tinext nya hahaha.

NV
S: Wala ka naman dito eh, niloloko mo yata ako!
A: Bakit ba kasi antagal mo? Bumalik ako sa plaza para puntahan ka sana.
S: Diba sabi ko maghintay ka dito? Tsk. Ok! Punta na ako jan.

At dahil nga wala yung pinsan ko dun sa internet cafe nagkunwari ulit siya sa'kin

NV
S: Naku bes! Nakalimutan ko yung ire-research ko. Hayys tara balik nalang tayo sa plaza bibili ako ng mangga.
A: Ano ba yan nakakainis na ha! Ang sakit na ng binti ko kakalakad! (Pero sa totoo lang nag eenjoy ako sobra! haha)

Then pabalik na kami sa plaza pero dinaanan niya lang naman yung mangga haha. Pagdating namin dun umupo agad kami at tinext niya si clark

NV
S: Andito na ako sa plaza, san ka banda? Dito ako malapit sa statwa ni Rizal punta ka dito.
A: (Tawang-tawa na talaga ako sa part na 'to pero pinipigilan ko parin. Grabe tong si bes lumalaban haha) Naku Anne! Umuwi na pala ako, sorry ha tinawagan kasi ako ng tropa ko. Sorry talaga Anne. Pwede next time nalang?
S: T*ngina ka! Nakakainis ka! Paasa! Ang sakit na ng binti ko kakalakad tapos Niloloko mo lang pala ako!

Hahahahahaha takte! Nakita ko talaga habang nagta-type siya galit na galit yung mukha nya tas yung keypad ng cp nya parang masisira na. Kaya nung binasa ko yung text niyang galit na galit, putspa!! Hindi ko na talaga ma take! Lumabas na yung tawa kong kanina ko pa pinipigilan hahaha andami kong tawa mga wantawsan hahahaha! Kaya nabuking niya ako at inis na inis siya sakin nun at nag walk out pa.

Ps. Kinuwento ko yun sa buong tropa kinabukasan sa school LT kami lahat then si Bes na OP haha!

Pps. Huwag kasi agad maniwala porket gwapo kinilig ba naman ng todo hahahaha sorry ulit bes!

Bestie
Others

Best of Read and Laugh (Facebook)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon