"Sinungaling"

687 5 0
                                    


May kilala ka rin bang gumagawa ng kwento para kaawan siya o kaya kapag may kasalanan siya sa'yo, gagawa siya ng kwento para mapatawad mo siya? Haha.  Ganito kasi 'yan, may boyfriend ako na ngayo'y ex ko na hahaha. Sinabihan ko 'yung kaibigan ko na kausapin niya si boyfie upang tanongin kung may girlfriend siya haha (kami pa that time) gusto ko kasi i-test loyalty niya.

NV
Friend ko: Uy nga pala, baka may magalit ha? Baka may girlfriend ka?
Bf: Wala eh, 1 year na ako walang GF hehe wala pa binibigay si God eh.

Edi sinend sa kin ng friend ko 'yung convo nila haha. After 'nun sinend ko sa EX BF ko 'yung pinagusapan nila haha! Nag sorry si unggoy, hindi ko siya pinatawad. Hanggang sa sinabi niya na sobrang taas daw ng lagnat niya, wala daw siyang kasama sa bahay nila. So ako naawa pumunta ako 2hrs byahe papunta sakanila, layo no? Ako kasi madalas mag adjust sa relasyon namin. Surprise sana, tapos pag dating ko dun andun magulang niya hahahahaha tapos hindi naman siya mainit, halata sa mukha na walang sakit. Nagalit ako sa kanya, umuwi agad ako kasi na badtrip ako.

Kinabukasan (Friday), nag chat siya sa akin na pupunta daw siya sa bahay namin, kahit galit ako nag antay ako sa kanya. So yun, tapos bigla niyang sinabi sa kin na may nambubugbog daw sakanya. Hinabol daw siya kaya hindi siya nakapunta hahahahahaah badtrip ako sa kanya sobra! Kasi alam ko na nag sisinungaling siya.

Kinabukasan (Sabado), mag kasama kami sa workshop. Nag makaawa siya na patawarin ko daw siya haha hindi ko talaga pinapansin, pero sobrang mahal ko siya. Sabi ko hindi ako aattend dun,(kunware lang) tapos after nun. Makalipas ang isang oras, sabi niya sa akin, nabunggo naman daw siya ng tricycle HAHAHAHAHAHAHAHA HYPE NA YAN! HINDI KO ALAM KUNG MAGAGALIT AKO O MATATAWA. Pag punta ko dun, doon siya nakaupo tumatawa kausap yung kaibigan namin at dun ako nakipag break sakanya. HAHAHAH AYOKO NA SA SINUNGALING.

Dyosangmaganda
Others

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon