Uunahan ko na kayo, di to tungkol sa ex or gf o bf. Gusto ko lang ishare tong story ko. Nagsend na ako ng dalawang story dito pero di napublish. Okay lang sanay naman akong binabalewala eh. HAHAHAHA!
Kung hindi niyo alam may kapatid ako na ang pangalan ay Gigi. Babae yan. Pero kahit babae yan, mahilig magloko yan. Nung last week lang hiniram niya yung phone ko eh sakto nakaonline pa fb ko bigla ba naman nagpost ng kung ano ano. Sa galit ko ayun kinurot ko, Grabe kinampihan pa ni mader, sumbungera kasi at amg galing umakting. Nakakainis grabe!
Tapos nitong gabi lang. Hiniram niya yung cellphone ko kasi mabagal daw yung net niya. Bigla akong nakaisip ng kababuyan sa kanya. Edi, Binigay ko naman pagkatapos ko ilagay sa 5 sec. yung screen timeout. Tapos agad ako natulog. Para kapag naglock yung phone ko di ko na ibibigay ang password. Hehehe. After 10 mins. Bigla nga siyang lumapit sakin pinapabukas yung phone ko syempre tulog tulugan. At nang magsawa na siya iniwan niya sakin yung phone ko at lumabas siya. Agad kong binuksan at nakita ko na nakabukas pa ang fb niya. Mweheheheheheheheheh eh! Time for my revengeeee!! Agad akong nagpost ng
"5 likes kita kapag nilike mo to.", "Dyosa talaga ako at alam ko yun! Pusuan mo to 10 likes kita!"
"FL naman o! " at
"Tomboy ako. Kaya dapat pusuan mo ko." at ang pinakamatindi
"Di ako naligo ngayon at balak kong di maligo bukas kasi tumatae pa ako. Kapag ito umabot ng 89 likes maliligo ako."
Tapos pinatay ko yung phone ko habang tumatawa ng mahina. Kinabukasan nagsisisigaw ang loka. Tawang tawa ako sa reaksyon niya na parang pibagsakluban ng langit at lupa tapos biglang gumulong sa sahig as in legit talaga! Edi takbo agad ako sa kwarto at binuksan yung fb ko pagkatapos ko i-log out yung acct niya. Puro "Na-mafia ako!!!" Yung post niya tapos naghinala na ng kung sino sino. Pero ang nakakatawa di ako yung pinaghinalaan niya. Nagtanong siya pero yung sagot ko "Ngayon lang ako nag-open ng fb." Kaya ayun umalis na parang natatae. HAHAHAHAHAHAHAHA! How's the taste of my revenge ha? HAKHAKHAKHAKHAKHAKHA K!
P.S. Di po talaga siya famewhore pero deep inside oo. 😂 HAHAHAHA!
Jimin's Wife
Others
