Ganto kasi yun nag kayayaan kami mag t-tropa sa morayta para mag dota. Eh nag jacket ako kasi malamig dun. (Fastfoward)
Eto na tapos na kami mag dota kanya kanyang uwian sakayan na ng jeep. Pag sakay ko may sumakay ding babae, ang ganda ang puti ang sexy!! Syempre ako todo tingin chix e. Hahaha e malapit nako sa karoroonan ko, sabi ko sa isip ko ""bwisit pababa nako di ko na makikita yung baby ko"" tapos yung mag papara nako bigla syang nag para. YOWN!! Syempre si kuya nyo HAPPY sabi ko pa mukang tinadhana kaming dalawa ohh 😂 Tapos pag baba nya biglang tumawid. Myghad tumawid!! Mukang sabay pakami mag lalakad, habang nag lalakad kami nag iisip ako kung pano ko sya kakausapin para makilala ko sya at makuha number. Ng biglang pumasok sa brgy BIGLANG TINURO AKO HOLDAPER DAW AKO BOSET!!! Tapos nilapitan ako ng mga brgy tanod pinapasok ako sa loob kinausap kami.
Nv.
A: HA ANONG SINASABE MO ATE HOLDAPER PO AKO WALA NGA AKUNG BARIL TSAKA KUTSILYO TAPOS HOLDAPER!
S: Kanina kapa tingin ng tingin sa jeep palang tapos pag baba ko bumababa kadin e.
A: Malay ko bang parehas tayo ng bababaan.
S: Ayy ganon ba kuya pasensya kana po di ko po alam.AKO UMALIS NA AGAD!! BWISIT NAYUN NAPAGKAMALAN PANG HOLDAPER!!
PS: KINABAHAN AKO DUN AH! BUTI NALANG KILALA AKO SA MUKA NG MGA IBANG TANOD
PS: IMPYERNEESSS!! In-add nya ako humingi sya ng Sorry. 😂 KELEG HAHAHA
Bry
Others